DSpace Community:http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/12024-03-28T10:19:18Z2024-03-28T10:19:18ZAng Disenyo ng Kasuotang T'boli Bilang Salamin sa Pagbabagong Lipunan ng mga T'boliViernes, Imelda R.http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/26102024-03-22T19:02:00Z2008-01-01T00:00:00ZTitle: Ang Disenyo ng Kasuotang T'boli Bilang Salamin sa Pagbabagong Lipunan ng mga T'boli
Authors: Viernes, Imelda R.
Abstract: Ang pananaliksik na isinagawa ay nagnanais na mabigyang- linaw ang suliraning: "Ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga disenyo ng mga kasuotang T'boli?"
Sa ilalim ng suliraning ito, binigyang kasagutan ang sumusunod na mga katanungan na umiikot sa suliranin: (1) Saan nagsimula ang mga betek o disenyo ng mga kasuotan?;
(2) Ano ang pangalan ng mga disenyo?; (3) Paano pinapangalanan ang mga disenyo?; (4) Ano ang k'gal(damit na binurdahan); (5) Kailan nagsimula ang paggawa ng k'gal ng mga T'boli?; (6) Ano ang mga disenyo nito?; (7)Saan nagmula ang mga disenyo nito? ;(8) Ano ang mga pangalan ng mga disenyo ng k'gal?; at (9) Saan pang mga bagay makikita ang mga disenyo?
Upang maisagawa ang pag- aaral na ito, nangalap ng rnga irnpormasyon tungkol sa paksa ang mananaliksik sa mga babasahin bilang paunang saliksik. Pumunta sa field sa Lake Sebu ang rnananaliksik at doon nakipanayam sa mga T'boli na naghahabi at nagbuburda upang masigurong pangunahing mga dates ang makakalap. Nagmula naman sa apat na baranggay ang mga kapanayam: ang Barangay Lake Seloton, Lamalahak, Larndalag at sa Poblacion.
Sinuri naman ang mga nakalap na datos batay sa tematikong analisis, sa konteksto ng kasaysayan ng lipunang T'boli, batay sa paniniwalang panrelihiyon ng mga T'boli at panghuli, batay sa functionalist approach.
Matapos na maisagawa ang pag- aaral, napag- alamang sinasalamin ng mga disenyong ginagamit ng mga T'boli sa kanilang kasuotan ang mga pagbabago sa lipunan nila.
Malaking salik sa industriyalisasyon sa
pagbabago lugar. Mula
ang pagsulong sa pagbabagong
ng ito
nalikha ang k'gal kung saan ginagamit ang mga sinaunang disenyo ng mga T'boli subalit mga komersiyal na rnateryales na ang ginagamit. Lumalabas na pinapatakbo ng interes pananalapi ang patuloy na paggamit ng mga disenyong T'boli sa mga kasuotang ginagawa nila.2008-01-01T00:00:00ZFAKATOWANGAN: Tradisyon ng Kamatayan sa mga Buhid Mangyan ng Sitio Bato-ili, Barangay MonteClaro, San Jose, Occidental MindoroEder, Zarrah Jean C.http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/25942024-03-21T19:01:38Z2008-04-01T00:00:00ZTitle: FAKATOWANGAN: Tradisyon ng Kamatayan sa mga Buhid Mangyan ng Sitio Bato-ili, Barangay MonteClaro, San Jose, Occidental Mindoro
Authors: Eder, Zarrah Jean C.
Abstract: Bahagi ng kulturang Pilipino ang kamalayan at
tradisyon kaugnay sa kamatayan. matatagpuan ang mga ito sa
lahat ng sulok ng bansang Pilipinas. Kung kaya, maging sa
nakaugalian ay mayroon din itong makulay na pagpahayag
lalung-lalo na sa mga etnolingwistikong grupo sa bansa.
Ang papel na ito ay isang panimulang pag-aaral sa
tradisyon ng kamatayan ng mg a Buhid Mangyan ng Sitio Bato-
ili, Barangay Monte Claro, San Jose, Occidental Mindoro.
Ang Sitio Bato-ili ay isang pamayanan ng mg a katutubong
Buhid Mangyan sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Kagaya
ng iba pang etnolingwistikong grupo, ang tradisyon ng
kamatayan ay isang napakalalim at napakakulay na tradisyon.
Sa pag-aaral na ito, tinalakay ang kamalayan at tradisyon
ng kamatayan bilang bahagi ng diwa ng buhay. Tinukoy at
tinalakay ang iba't ibang aspeto sa kaugnay sa kamatayan.
Gayundin, bilang pagsusuri, iniugnay ang paniniwala at
kamalayan ng mg a Buhid Mangyan sa Gaia Hypothesis kung saan
higit na maipaliliwanag ang konsepto ng kaluluwa sa isang
makabago at siyentipikong perspektibo.2008-04-01T00:00:00ZKomedya ng Don Galo: Motibasyon sa Pagsali ng Hang Piling MiyembroDuenas, Nina Lawrencehttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/25932024-03-21T19:01:34Z2007-03-01T00:00:00ZTitle: Komedya ng Don Galo: Motibasyon sa Pagsali ng Hang Piling Miyembro
Authors: Duenas, Nina Lawrence
Abstract: Umikot ang pag-aaral na ito sa motibasyon sa pagsali ng apatnapu't anim na mga
batang miyembro ng "Komedya ng Don GaloM. Layunin ng pag-aaral na alamin at suriin ang
mga dahilan ng mga bata sa pagsali sa grupo. Sinikap ding alamin ang mga salik na
nakaimpluwensya sa motibasyon ng mga bata para sumali sa grupo.
Ang mga dates ay kinalap sa pamamagitan ng serye ng mga interbyung isinagawa
ng mananaliksik sa apatnapu't anim na miyembro ng KDG noong Disyembre 17, 2006;
Enero 8, 2007 at Enero 15, 2007. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng: una,
pagsasagawa ng deskripsyon ng mga datos; ikalawa, tematikong pagsusuri ng mga datos
sa pamamagitan ng paghahanay ng mga datos sa mga kategorya; at panghuli ay
konseptwal na pagsusuri kung saan nakabuo ang mananaliksik ng isang balangkas-diwa ng
motibasyon sa pagsali ng apatnapu't anim na miyembro ng KDG.
Sa pagsusuri ng datos, ang mga dahilang nakuha mula sa interbyung isinagawa ay
inihanay sa tatlong kategorya. Ito ay ang mga (1) Napilit/Naimpluwensyahang sumali sa
grupo: (2) Naakit na sumali sa grupo; at (3) May shilling layunin sa pagsali sa grupo.
Napansing ang tatlong kategoryang nabanggit ay naimpluwensyahan ng tatlong salik;
Panloob, Panlabas at Magkahalong Panloob at Panlabas. Mula sa isinagawang pagsusuri,
nakitang ang motibasyon ng apatnapu't anim na mga bata sa pagsali sa "Komedya ng Don
Gal。" ay maaring mula sa impluwensya ng mga taong nakapaligid sa kanila (Salik na
Panlabas); mula sa sarili nilang desisyon (Salik na Panloob); o di kaya ay mula mga bagay
na nakita at nalaman tungkol sa grupo na nakapukaw sa interes nila para sumali
(Magkahalong Panloob at Panlabas na Salik). Pinakamarami ang mga batang sumali dahil
sa sarili nilang desisyon (Panloob na Salik) na may bilang na dalawampul isang mga bata.
Ang mga batang ito ay May saiiling layunin sa pagsali na maaaring patungo sa pagtugon sa pangangaiiangang interpersonal (Para madagdagan ang extra-curricular activities; 1 bata),
pafungo sa seguridad sa pamumuhay (Para madiskubreng artista; 1 bata) at patungo sa
paglago ng sarili (Paghubog ng talento; 21 na bata). Pumapangalawa naman sa dami ang
mga batang sumali dahil Naakit sumali sa grupo dahil sa mga bagay na nakita at nalaman
tungkol sa grupo na nakapukaw sa interes nila para sumali (Magkahalong Panloob at
Panlabas na Salik) na may bilang na labingapat na bata. Ito ay ang mga batang napanood
ang pagtatanghal ng grupo at sumali dahil gustong maranasan ang maging Komedyante (13
na bata); at nalaman ang mga achievements ng gnipo at gustong mapabilang dito (1 bata).
Pinakakaunti naman ang mga batang naimpluwensyahan ng mga taong nakapaligid sa
kanila (Panlabas na salik) para sumali na binubuo ng labingisang bata. Ang mga bata ay
Napilit/Naimpluwensyahang sumali sa grupo ng kanilang pamilya, kamag-anak at kaibigan
(5 bata). Karamihan sa mga pamilya, kamag-anak at kaibigang ito ay nadiskubreng mga
Komedyante rin. Napansin ding ang mga guro ng mga bata ay may malaking impluwensya
rin sa pagsali ng mga bata sa grupo (6 na bata).
Mula sa mga ito ay nakabuo ang mananaliksik ng isang balangkas-diwa na
nagpapakita ng biswal na representasyon ng motibasyon ng mga bata sa pagsali sa grupo.2007-03-01T00:00:00ZAng Parada ng Sto.Nino sa TundoRabino, Rubie Ann A.http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/25762023-12-05T19:01:42Z2007-03-01T00:00:00ZTitle: Ang Parada ng Sto.Nino sa Tundo
Authors: Rabino, Rubie Ann A.
Abstract: Sa pananaliksik na ito matutunghayan ang iba't ibang
larawan ng mga imahe ni Senor Sto.Nino na itinampok sa Fluvial
Parade. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang pangunahing
imahen ng Sto.Nino na lumalabas sa kabuuan ng Parada.
Ang mananaliksik ay nagsagawa ng pakikipanayam sa ilang
miyembro ng Congregacion del Santisimo Nombre del Nino Jesus
at Parish Pastoral Council ng Sto.Nino Church. Nangalap din ng
karagdagang datos mula sa mg a aklat, magasin, souvenir
programs at iba pang mga babasahin. Ginamit ding sanggunian
ang ilang internet sites.
Sa pag-aaral ay napag-alamang ang lumalabas na
pangunahing imahen ng Sto.Nino na itinampok sa parada ay ang
imahen ng bata na banal at makapangyarihan at ang imahen ng
bata bilang pangkaraniwang taong katulad natin. Gayunpaman, sa
mas malalim na pagsusuri ay lumalabas din ang imahen ng
Sto.Nino bilang batang nag-uugnay ng tao sa kapwa niya tao at
ng tao sa Diyos.2007-03-01T00:00:00Z