Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1002
Title: Pakikipagsapalaran sa alon ng syudad: pagsusuri sa social exclusion ng mga Sama Laut (Badjao) sa Lungsod ng Malabon
Authors: Magsino, Donabel Norei S.
Keywords: Sama Laut (Badjao)
Social exclusion
Issue Date: May-2015
Abstract: Nakasakay ka sa pampasaherong dyip, may umakyat na mag-ina. Binigyan ka ng sobre. Nagtambol sila at umawit sa wikang hindi mo naiintindihan. Ibinalik mo ang sobre (maaaring may laman o walang laman). Bumaba sila at iniwan kang nababagabag kung bakit ganito ang realidad sa mga syudad. Ang panimulang pananaliksik na ito ay tatalakay sa social exclusion na nararanasan ng mga Sama Laut (Badjao) sa kanilang pakikipagsapalaran mula sa mga alon ng dagat tungo sa alon ng syudad. Naglalayon itong magmulat tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kanilang hanay at magpalakas ng adbokasiya para sa mga katutubong gaya nila ay nananatiling bahagi ng marhinalisadong sektor sa lipunang Pilipino. Ang presentasyon ng datos sa pag-aaral na ito ay nahahati sa tatlong bahagi: Ang Materyal na Kondisyon ng mga Sama Laut, Persepsyon ng mga Residente ng Malabon, at Aksyon ng Gobyerno Ukol sa Presensya ng mga Sama Laut sa Lungsod ng Malabon. Hinati ko ito sa ganitong paraan upang maipakita ang kabuuang larawan ng social exclusion na nagpapahirap sa mga minoryang migrante sa mga syudad.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1002
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E169.pdf
  Until 9999-01-01
5.41 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.