Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1004
Title: Mula buhay salat, tungong buhay sapat: ang pampolitikang ekonomya ng industriya ng tahong sa Bacoor, Cavite at ang papel ng likas-kayang kabuhayan kontra-kahirap
Authors: Jose, Anjeanette D.
Keywords: Seafood sources workers
Philippine mussel industry
Issue Date: May-2015
Abstract: Ang Bacoor ay kilala bilang "seat of the Philippine mussel industry". Sa loob ng ilang dekada ay pinagyaman ito ng mga henerasyon ng mga mandaragat ng siyudad at inalagaan hanggang sa umabot sa kinalalagyan nito ngayon. Sa kabila ng likas na yaman sa rekurso ng mga karagatan ng Bacoor, nalalagay sa alanganin ang hanapbuhay ng mga magtatahong dahil sa pagtutulak ng mga polisiyang sinasagasaan ang kanilang mga karapatan. Sa kabila rin ng yaman na ito ng mga karagatan sa bansa, nananatiling hirap sa buhay ang mga Pilipinong nakaasa sa mga yamang-tubig para sa kanilang hanapbuhay at pagkain. Ang mga mamamayan ng mga coastal na barangay ng Bacoor ay nangangambang mawalan ng kabuhayan at kita na kanilang ipinangtutustos sa mga pangangailangan sa araw-araw. Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang mas mapalalim ang kaalaman at pagunawa sa mga lantad at tagong isyu na kinakaharap ng mga mandaragat ng Bacoor. Sa pamamagitan ng pakikipanayam at pagkuha ng kanilang saloobin, pakikilahok sa gawaing produksyon at sa direktang obserbasyon, hinimay at sinuri kung ano ang kasalukuyan nilang kalagayan sa ilalim ng mga reporma at programang kaunlaran ng pamahalaan. Itinatampok din ng pag-aaral kung ano ang mga pananaw ng mga mandaragat sa maka-dayuhang kaunlaran na nagreresulta sa pribatisasyon, industriyalisasyon at urbanisasyong sa halip na makatulong ay lalo lamang ibinabaon ang ang kanilang sektor sa lugmok na kalagayan.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1004
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E166.pdf
  Until 9999-01-01
4.04 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.