Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1078
Title: Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan: isang pag-aaral tungkol sa paggamit ng social media sa pagsuri ng mga isyu sa lipunan
Authors: Manio, Beatriz Izamary R.
Keywords: Social media
Information and discussion platform
Social issues
Issue Date: May-2017
Abstract: Tinukoy ng pag-aaral na ito kung paano ginagamit ng mamamayan ang social media sa pagtuklas sa mga kinakaharap na isyu ng lipunan at kung ano ang epekto ng rekursong ito sa kanilang pagkamulat at partisipasyon sa lipunan. Nakasentro ito sa mga balita at impormasyong nakakasalamuha ng netizens sa social media at sa mga hakbang na kanilang ginagawa upang maipabatid ang kanilang tindig. Ang pangangalap ng datos ay isinagawa sa pamamagitan ng pinaghalong paraan ng qualitative at quantitative na metodolohiya. Nagsagawa ang mananaliksik ng sarbey sa mga aktibong gumagamit ng social media. Nakipanayam din ang mananaliksik sa mga eksperto at may kaugnayan sa paksa ng pag-aaral. Nilayon ng tesis na ito na matasa ang papel ng social media sa paghuhubog ng opinyon ng publiko. Sa huli, natuklasan na malaki ang naiaambag ng social media sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko. Napatunayan din na maraming bentahe ang hatid ng rekursong ito sa dami ng bagay naihahatid nito at sa bilis ng daloy ng impormasyon gamit ito. Nakita rin na maraming napapanahong isyu ang sinusuri sa social media gaya ng popularidad ni Rodrigo Duterte, Paglilibing kay Ferdinand Marcos sa LNMB at ilang paksa ukol sa ugnayang panlabas ng Pilipinas. Isang diskusyon din sa tesis na ito ay ang pagiging epektibo ng social media bilang plataporma ng pagmumulat sa publiko tungo sa panlipunang pagbabago.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1078
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E228.pdf
  Until 9999-01-01
2.15 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.