Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1083
Full metadata record
DC Field | Value | Language |
---|---|---|
dc.contributor.author | Fabella, Ma. Carla Noelle V. | - |
dc.date.accessioned | 2021-09-15T02:42:49Z | - |
dc.date.available | 2021-09-15T02:42:49Z | - |
dc.date.issued | 2017-05 | - |
dc.identifier.uri | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1083 | - |
dc.description.abstract | Ang pagiging isang aktibista ay hindi tipikal na okupasyon, karera, o hanapbuhay. Ito ay isang paraan ng pamumuhay na nangangailangan ng masidhing paninindigan sa paglilingkod sa sambayanan. Bilang isang aktibista, malaking oras at panahon ang kailangang ialay para sa katuparan ng mga adhikain ng kilusan. Sa kanilang layuning magmulat, mag-organisa, at mag-mobilisa, ibayong pagsasakripisyo ang kinakailangan. Sa pagsabak sa pakikibaka ng isang aktibista, iba't ibang implikasyon ang hatid nito sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga anak. Dahil ang nais ng mga aktibista ay tunay na panlipunang pagbabago, iba ang kanyang paraan ng paghuhubog sa kanyang mga anak. Dahil dito, isang pang-araw-araw na tunggalian para sa isang anak ang paggalaw sa loob ng mga institusyon ng lipunan — ang pamilya, paaralan, organisasyon, simbahan, at mass media. Sa kabila ng mga masalimuot na karanasang hatid ng pakikibaka laban sa umiiral na sistema, isang kalamangan kung maituturing ang maging isang anak ng aktibista. Bukod sa pagkakaroon ng tibay, lakas ng loob, at paninindigan, natututunan at naisasabuhay ng mga anak ang diwa ng pagsasakripisyo, simpleng pamumuhay at, higit sa lahat, ang tunay pagmamahal at paglilingkod sa bayan. Dahil ang mga anak ang pangunahing tagapag-mana ng mga naiwan at nasimulan ng kanyang mga aktibistang magulang, sila ang susunod na magiging tagapagtaguyod ng panlipunang pagbabago. Ang mga anak ng aktibista ang salinlahi ng kilusan; sila ang kinabukasan. Sila ay hindi lamang mga anak ng kanilang mga ina, bagkus, sila ay mga anak ng masa. | en_US |
dc.language.iso | other | en_US |
dc.subject | Children of activists | en_US |
dc.subject | Activists' family | en_US |
dc.title | Anak ni ina, anak ng masa: mga kuwentong buhay at pakikibaka ng mga anak ng aktibista | en_US |
dc.type | Thesis | en_US |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-E223.pdf Until 9999-01-01 | 4.13 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.