Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1091
Title: Bawal magtapon dito: kritikal na pagsusuri sa Ecological Solid Waste Management Act ng 2000 bilang solusyon sa problema sa basura sa Lungsod ng Pasay
Authors: Andrade, Jhayber Jet L.
Keywords: Ecological Solid Waste Management
Environmental waste disposal
Issue Date: May-2017
Abstract: Isa pa rin sa mga pinaka kapansin — kapansin at likas na mapanganib na isyu sa usaping pangkapaligiran sa kasalukuyan ang patuloy na pagdami ng mga basura. Mabilis at patuloy na paglaki ng bilang ng populasyon, industriyalisasyon at urbanisasyon, kaisipang konsumerismo, at iba pa ang kadalasang sanhi ng pagpapatuloy ng suliraning ito. Upang mabigyan solusyon ang problemang ito, iniakda at ipinatupad sa Pilipinas ang Republic Act 9003 o mas kilala sa tawag na Ecological Solid Waste Management Act ng 2000 na may layuning gumawa ng isang sistematikong pangongolekta, paghihiwalay, pagbabawas, at pagreresiklo ng mga basura sa pangunguna ng mga lokal na pamahalaan. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa teknikal na aspekto ng nasabing batas, mga salik na humahadlang sa maayos na implementasyon nito, at mga naging implikasyon nito sa kalinisan ng tatlong barangay (Barangay 148, Barangay 181, at Barangay 186) sa lungsod ng Pasay matapos ang mahigit-kumulang labing-pitong taon na pagpapatupad. Mula sa pagse-survey ng mga residente sa tatlong komunidad, pagtingin at pagsuri sa plano hinggil sa pamamahala ng basura sa lungsod, pagaanalisa sa nasabing batas at sa mga ordinansang ibinase rito, at panayam, inilalahad ng pag-aaral na ito ang hindi pa rin mawala-wala na problema sa basura sa kabila ng matagal na pag-iimplementa ng R.A. 9003, mga salik na dapat ikonsidera upang maging ganap na epektibo ang pagpapatupad sa nasabing batas, mga mahahalagang tungkulin ng kapwa lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan, at mga alternatibong solusyon upang maibsan ang suliraning ito.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1091
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E215.pdf
  Until 9999-01-01
7.36 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.