Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1116
Title: | Tradisyonal at napapanahong pananaw sa nagababagong lipunan: isang pagtukoy at pagsusuri sa pagbabagong naganap sa mga popular na nobelang romansa sa Pilipinas (1995-2014) |
Authors: | Chica, Jessica B. |
Keywords: | Philippine romance novels |
Issue Date: | Apr-2014 |
Abstract: | Ang pag-aaral na ito ay pumapaksa sa pag-alam at pagtukoy sa mga posibleng pagbabagong naganap sa mga popular na nobelang romansa sa Pilipinas sa paglipas ng panahon, partikular sa usapin ng formula. Layon ng pananaliksik na matukoy at mailahad ang mga kumbensiyon o mga formulaic na elemento ng 20 nobelang romansang nailathala sa dalawang magkaibang panahon—10 nobela mula sa taong 1995 hanggang 1999, at 10 nobela rin mula 2010 hanggang sa kasalukuyang taon (2014). Gamit ang modipikasyon ng balangkas ni Arthur Asa Berger ng mga elementong ginagamit sa pagtukoy ng formula, nagawang mailahad ang mga nangibabaw na kumbensiyon sa mga akdang sinuri. Ginamit ang elemento ng tagpo (panahon at lokasyon), bidang lalaki, bidang babae, kontrabida, banghay, at tema sa pagsusuring ginawa. Sa anim na elementong inilahad, apat sa mga ito ay kinakitaan ng pagbabago. At mula sa apat na pagbabagong ito, nagawang makapaglahad ng apat na idea, pananaw at paniniwalang kaakibat ng konsepto ng romansa. Sa elemento ng bidang lalaki ay natukoy ang ideang "sa bawat lalaki ay may nakatakdang babae na iibigin nito nang tunay." Sa elemento naman ng bidang babae ay lumitaw ang pananaw na "hindi na kimi ang kababaihan pagdating sa usapin ng pag-ibig at romansa.” Sa elemento naman ng banghay ay nakita ang paniniwala na “kahit sino ay maaaring matutunang mahalin nang hindi inaasahan."At sa elemento ng tema, ay nangibabaw ang ideang “maaaring umibig nang walang pananagutan." Ang mga pagbabagong ito, batay sa pagsusuri, ay maaaring dahil sa dalawang bagay: una, upang mailahad sa bagong pamamaraan ang mga tradisyonal na idea ng romansa; ikalawa, upang makapaghain ng mga bago at napapanahong idea na maaaring dala ng mga pagbabago sa lipunan. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1116 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-G13.pdf Until 9999-01-01 | 13.87 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.