Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1117
Title: Peministang pagsusuri sa mga piling pelikulang romantic comedy at melodrama
Authors: Bernales, Ma. Beatrice Louise S.
Keywords: Philippine movies
Romantic comedy films
Melodrama Films
Issue Date: May-2017
Abstract: Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga representasyon ng kababaihan sa pelikulang popular, partikular sa mga sikat na pelikulang romantic comedy at melodrama ng tatlong direktor na sina Cathy Garcia-Molina, Joyce Bernal, at Antonette Jadaone. Napili ang mga nabanggit dahil matunog ang kanilang mga pangalan sa industriya ng pelikulang mainstream, bukod sa sila ay mga babaeng direktor. Makabuluhan ang ganitong pag-aaral dahil ang kulturang popular ay labis na nakaaapekto sa pag-iisip sa namamayan sa lipunan, at nakikitang malaki ang papel ng mga direktor bilang auteur sa pelikulang kanilang nalilikha. Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin ang mga representasyon ng kababaihan sa mga pelikula at makakuha ng mga insight mula sa isang peministang dalubhasa sa pelikula at panitikan at mga aktibong manonood ng mga pelikulang Garcia-Molina, Bernal, at Jadaone. Pinaghambing sa pag-aaral na ito ang mga representayon ng kababaihan mula sa mga piling pelikula ng tatlong direktor na nabanggit at inalam kung mayroong problema sa mga representasyon ng kababaihan sa mga pelikulang ito. May ilang mga pag-aaral nang ginawa patungkol sa mga representasyon sa kababaihan subalit ang karaniwang nabibigyan ng pokus ay mga panitikan, mga palabas sa telebisyon, sa mga adbertisment, at mga genre ng pelikulang kaiba sa konteksto ng papel na ito. Nariyan ang akda ni Roel Jamon (2004) tungkol sa imahen ng babae sa mga pelikula ni FPJ, pagusuri ng mga pelikulang romantic comedy (Litiatco, 2010) pelikulang melodrama (Santiago, 2006) at ilang mga tesis na nagsusuri sa basehan ng kagandahan ng babae sa adbertaysing. Nakakalap din ng mga librong tungkol sa representasyon sa Bernales * (Mis)Leading Ladies * 7 kababaihan subalit ang mga iyon ay nakakonteksto sa kulturang Kanluranin (Smelik, 2001). Samantala, lumulugar ang papel na ito ay ang paunang pagsusuring peminista sa mga likha ni Jadaoane at mga pag-aaral sa mga pelikula nina Garcia-Molina at Bernal. Pagpapatuloy ang tesis na ito ng mga panimulang pag-aaral, ngunit may espesipikong ambag at pag-angat ito mula sa mga pinagbatayang pag-aaral sa pagsisikap na magbigay ng mas komprehensibong pag-aaral sa representasyon sa kababaihan sa mga mas bago at mga panibagong pelikulang popular na bumubuo sa repertoire ng tatlong babaeng direktor-auteur. Ang mga tinutukoy na pelikula ay: One more chance (2007) ni Cathy Garcia-Molina; Don’t give up on us (2006) at Bakit di ka crush ng crush mo (2013) ni Joyce Bernal; at That thing called tadhana (2014), You’re my boss (2015), All you need is pag-ibig (2015), at The achy breaky hearts (2016) ni Antoinette Jadaone. Bilang mga babaeng may kapangyarihang magdikta ng mga naaayong imahen gamit ang media partikular ang pelikula, naipapalagay na esensiyal ang mga nasabing babaeng direktor sa pagsisiwalat ng realidad sa representasyon ng kababaihan. Kaya sa pananaliksik na ito, isa-isang sinuri ang mga bidang babae at mga pangalawang aktres sa mga pelikulang napili, sinuri ang mga relasyon ng mga karakter sa isa't isa sa bawat pelikula, maging ang paggampan ng mga aktres, mga diyalogo, at mga eksena sa pelikula. Dahil sa pagsandig sa teoryang peminista kaya't sinipat ang bawat pelikula sa kung paano ng mga ito ipinakita ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ng mga karakter, nasuri ng mananaliksik na may mga positibong representasyon nang umuusbong, subalit kadalasa’y nananaig pa rin ang mga tradisyonal na pagtingin sa kababaihan, partikular babae bilang mahina at nangangailangan ng heteroseksuwal na pag-ibig para maging ganap, buo, at masaya ang buhay. Hindi na bago ang pagsusuring peminista sa media, bilang rekomendasyon sana ay mas palawakin pa ang mga imahen at representasyon ng kasarian. Upang hindi nakakahon ang mga kasarian sa mga inaasahan at mga nakasanayang kaugalian, pagkilos, pananamit, pananaw, pamantayan, pagtingin, at iba pa.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1117
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-G14.pdf
  Until 9999-01-01
13.02 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.