Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1132
Title: | Monu(meant)to at Espa(show): mga pagpapakahulugan sa monumento ng bayaning si Andres Bonifacio |
Authors: | Basco, Jessalyn M. |
Keywords: | Andres Bonifacio monuments Cultural heritage landmarks |
Issue Date: | May-2018 |
Abstract: | Isa si Andres Bonifacio sa mga kinikilalang pambansang bayani ng mga Pilipino. Kilala siya sa pagtatatag ng isang kalipunang tinawag na Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Bilang pagkilala sa kabayanihang kaniyang ipinamalas, ilang bantayog patungkol kay Bonifacio ang itinayo sa bansa. Ayon sa Patalaan ng mga Ari-Ariang Kultural ng Pilipinas (Sangay sa Plano, Programa, at Polisiya, 2018), anim sa mga bantayog na ito ang matatagpuan sa Punong Rehiyon ng Pilipinas o National Capital Region (NCR). Ito ay ang mga sumusunod: Bantayog ni Andres Bonifacio sa Lawton (Ermita, Maynila); Bantayog ni Andres Bonifacio sa may Tutuban Center Mall Grounds (Tondo, Maynila); Bantayog ni Andres Bonifacio sa Makati Park and Garden (West Rembo, Makati); Bantayog ni Bonifacio (Rotonda, Kalookan); Pambansang Bantayog ni Andres Bonifacio sa may Mehan Gardens (Ermita, Maynila); at Pook Kung Saan Itinatag ang Katipunan (San Nicolas, Maynila). Ang mga ito ang mga monumentong pinag-aralan sa papel na ito. Inalam ng pananaliksik na ito ang imahen ng bayani sa mga nabanggit na bantayog ni Andres Bonifacio pati na rin ang implikasyon nito sa sistema ng kolektibong pagpapakahulugan at pag-alala ng mga Pilipino. Ang unang hakbang na isinagawa ng mananaliksik ay ang pangangalap ng batayang mga batis mula sa iba’t ibang aklatan at research databases. Matapos nito ay isa-isang pinuntahan at inobserbahan ang mga bantayog. Nagsasagawa rin ng mga pakikipanayam at naghanap ng mga kaugnay na arkibo ang mananaliksik mula sa iba’t ibang tao at ahensyang may kaugnayan sa mga bantayog na saklaw ng pag-aaral na ito. Mula sa mga nakakalap na datos ay tinangkang siyasatin ang sistema ng pagpapakahulugan at pag-alala ng mga Pilipino, partikular ang kanilang konsepto ng bayani at pagkabayani. Sinuri ang imahen ni Bonifacio bilang isang bayani sa kaniyang mga monumento at maging ang monumento ng bayani sa pampublikong espasyo sa kasalukuyan. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1132 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-G29.pdf Until 9999-01-01 | 4.81 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.