Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1137
Title: | Asunción, Resurrección, Adoración, Lamentación: ang tradisyon ng pabasa sa Pasay |
Authors: | Galleon, Christelle Faith Santos |
Keywords: | Pasyon tradition Religious Pabasa Philippine culture |
Issue Date: | May-2018 |
Abstract: | Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa tradisyon ng Pabasa sa lungsod ng Pasay alinsunod sa apat na pamilyang nagsasagawa nito. Gaya ng naitala sa pag-aaral ng mananaliksik, tinatawag na Pabasa ang panrelihiyong panitikang Pasyon dahil sa paawit na paraan ng pagbabasa nito. Ang tradisyon ng pagbabasa ng Pasyon ay nagaganap tuwing Kuwaresma upang mapagnilay-nilayan ang buhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Layunin ng pag-aaral na ito na makilala ang mga pamilya sa lungsod ng Pasay na nagsasagawa ng ritwal ng Pabasa, alamin ang tradisyon ng Pabasa sa lugar na ito, at kung papaano ito nananatiling buhay sa kamalayan ng mga nakatira sa lungsod. Nilimita ng mananaliksik ang mga kaso sa pamamagitan ng pagpili sa Pamilya Llamas bilang pangunahing tagapag-bigay impormasyon sa pag-aaral na ito. Bahagi ng kanilang tradisyon ang pagbabasa sa iba’t iba pang mga kabahayan bukod pa sa kanilang sariling Pabasa upang maibahagi ang kanilang lamentasyon. Kabilang sa mga kabahayan na ito ang tatlo pang grupo na nagmula rin sa Pasay. Pinagtuunan ng mananaliksik ang mga naratibo ng apat na pamilyang aktibong isinasagawa ang Pabasa sa lungsod ng Pasay upang masuri ang tradisyon ng Pabasa na nakapaloob sa lungsod. Binigyang pansin din ng mananaliksik ang iba’t ibang aspeto na maaaring makaapekto sa Pabasa tulad ng tao, lugar, espasyo, at metodo ng pagsasagawa ng ritwal ng Pabasa. Sa pagsasaliksik ay nakita na maaaring ang patuloy na pagsasagawa ng pabasa ay nag-uugat sa kamalayan ng mga Pilipino at katutubong kaisipan. Kabilang dito ang mga konsepto ng loob, tagapagdaloy, kapwa, kalikasan, Diyos, at alay. Sa huli, nahinuha na ang tradisyon ng Pabasa sa Pasay ay isang pakikiisa sa Diyos, sa kalikasan, at sa kapwa sa pamamagitan ng isang kwentong paawit. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1137 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-G34.pdf Until 9999-01-01 | 1.2 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.