Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1139
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorHilario, Rozheanne Cruz-
dc.date.accessioned2021-09-17T01:34:23Z-
dc.date.available2021-09-17T01:34:23Z-
dc.date.issued2018-05-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1139-
dc.description.abstractAng Las Casas Filipinas de Acuzar ay isang heritage resort sa Bagac, Bataan na pagmamay-ari ni Jose Rizalino “Jerry Acuzar,” isang kontraktor at kolektor. Sila ay naglilikom ng mga makasaysayang estruktura sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ilagay sa kanilang lupain at magsagawa ng restorasyon. Sa pag-aaral na ito, tinalakay ang pagkakagawa sa heritage resort at ang kadahilanan sa pagkakabuo nito. Kaugnay ng pagkakabuo ang metodo ng restorasyong ginamit ng Las Casas Filipinas de Acuzar, kaya’t ito ay pinagtuunan din ng pansin ng pag-aaral. Upang masuri ang metodo ng restorasyong inilatag, ginamit ng mananaliksik ang panuntunan ng batas na Republic Act 10066 o ang National Cultural Heritage Act of 2009 at ang panuntunan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na pinamagatang Preserving and Restoring Monuments and Historic Buildings sa pagsasagawa ng restorasyon at preserbasyon sa mga makasyasayang estruktura. Napatunayan ng pag-aaral ang manipestasyon ng Artipisyalidad sa pagkakabuo ng heritage resort sa pamamagitan ng Simulation Theory ni Jean Baudrillard. Ayon dito, maiuugnay ang pagkakagawa ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa konsepto ng Disneyfication kung saan ang mga Institusyong Edukasyonal ay nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo at karanasan upang humikayat ng mga panauhin. Dahil dito, nagkakaroon ng artipisyal na bersyon ng mga kaalamang kanilang inihahain, at ito ang siyang isinasagawa ng Las Casas Filipinas de Acuzar. Maging ang kasalukuyang estado ng mga estruktura na naiiba na sa orihinal nitong gamit ay napatunayang nag-aambag sa Artipisyalidad ng resort na ito. Hindi lamang ang mga konkretong bahagi ng estruktura ang apektado sa restorasyong isinagawa ng resort, kundi maging ang diwa at gamit nito. Maaaring ipinepresenta ng Las Casas Filipinas de Acuzar ang kanilang sarili bilang tagapagtaguyod ng Heritage Preservation ngunit mahihinuha sa pag-aaral na hindi pangunahing layunin ng resort ang restorasyon at pangangalaga ng mga estruktura kundi ang pagiging kawili-wili upang makahikayat ng mga panauhing pumunta sa kanilang resort at malibang sa kanilang pasilidad at serbisyo.en_US
dc.language.isootheren_US
dc.subjectLas Casas Filipinas de Acuzaren_US
dc.subjectHeritage resorten_US
dc.titleBahay pa ba’to?: isang pagsusuri sa Las Casas Filipinas de Acuzar bilang manipestasyon ng artipisyalidaden_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-G36.pdf
  Until 9999-01-01
4.85 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.