Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1140
Title: | (I.P.)elikula: pagpapakahulugan, paggawa, at representasyon sa katutubong pelikula |
Authors: | Ignacio, Jia Czarina D. |
Keywords: | Philippine cinema Indigenous people |
Issue Date: | May-2018 |
Abstract: | Ang mga pag-aangkin na bunsod ng representasyon ng mga mananakop/estado ay nagbibigay, at sa isang banda nagtatanggal ng kapangyarihan sa mga katutubo. Ang representasyon ng katutubo sa pelikula ay nakatutulong magpanatili ng mga katutubong kaparaanan, at sa pag-aangat ng boses ng mga katutubo. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa walong pelikula tungkol sa mga katutubo mula 2006 hanggang 2017. Linalayon nito na bigyang depinisyon ang katutubong pelikula at alamin ang proseso sa paggawa nito. Sinuri ang mga representasyon ng katutubo, at tiningnan kung paano ginamit ang mga elemento ng pelikula sa representasyon na ito. Gayundin, sumibol ang iba’t ibang depinisyon mula sa limang direktor na kinapanayam. Ginamit ang content analysis sa pagsusuri ng mga pelikula. Ang representasyon ng katutubo ay makikita sa mga elemento ng pelikula na: karakter, lunan, simbolismo, at tema. Ang karakter ng mga katutubo ay ipinapakita sa mga bata’t matanda, mataas na pagtingin sa mga kababaihan, sa kanilang sari-sariling espiritwal na paniniwala, at sa kanilang mga gawain bilang manggagamot, magsasaka, mangangaso, at mangingisda. Kadalasang nakalulan ang mga pelikula sa lupa o karagatang ninuno ng mga katutubo dahil dito nakaugat ang kanilang pamumuhay. Ginamit sa pelikula ang mga simbolismo na: komunidad ng mga Agta na nasa pagitan ng kabundukan at lungsod, paghimlay ng mga bata kung saan nakita raw nila ang kanilang ina, pagkahanap ng mga bata sa instrumentong pangmusika, paggamot ng nagbabalik na Palawán sa isa ring Palawán na maysakit at di pa nakaaapak sa lupa, pagpapakasal at pagkakaroon ng anak ng magkapatid sa kababata nila, rape bilang manipestasyon ng kamalian sa kultura at lipunan, paghuli at pagpapalit-anyo sa puting baboy, at makatarungang pagpatay. Naging tema ng mga pelikula ang pagdepende ng mga katutubo sa kalikasan, pang-aagaw ng lupa, armadong pakikibaka, metropolitanisasyon ng katutubong pamayanan, at unti-unting pagkawala ng katutubong kultura at pagpapanatili nito. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1140 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-G37.pdf Until 9999-01-01 | 2.26 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.