Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1311
Title: Ang Kahulugan, Kahalagahan, at Kagawian ng mga Ayta ng Botolan, Zambales Ukol sa Panaginip
Authors: De Guzman, Josef Adriel O.
Keywords: Aeta (Philippine people)
Issue Date: Mar-2014
Abstract: Bunga sa isang salaysay tungkol sa panaginip na nakalap mula sa pakikipanayam sa mga Ayta patungkol sa kanilang pananaw tungkol sa pagmamay-ari ng lupa, nabuo ang isang pagsasaliksik na naglalayong mapalalim pa ang nalalaman patungkol sa mga pananaw at paniniwala ng mga Ayta ukol sa panaginip. Layunin ng pananaliksik na ipakita ang mga paniniwala ng mga Ayta sa panginip at kung paano ito nakaapekto sa lipunang Ayta. Gamit ang lapit ng etnograpiya at penomenolohiya at ang mga pamamaraan ng ginabayang talakayan (focus group discussion) at pakikipanayam (interview), nakapanayam ang labingdalawang Ayta na may edad mula 14 hanggang 60 na napili sa pamamagitan ng snowball sampling upang malaman ang kanilang mga pananaw at paniniwala tungkol sa panaginip, na siya namang inayos sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga tema (thematic analysis) at pagsusuri ng nilalaman (content analysis). Lumabas sa pakikipanayam ang tatlong lugar kung saan lumilitaw ang mga paniniwala ng Ayta sa panaginip – ang Kahulugan, Kahalagahan, at Kagawian. Sa Kahulugan lumabas ang mga konsepto ng Ayta sa panaginip kagaya ng taynəp o konsepto ng Ayta sa panaginip, ang nakəm o ang kaisipan ng tao na siyang dahilan ng pananginip, at ang alumati o ang masasamang panaginip ng mga Ayta. Sa Kahalagahan naman matatagpuan ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang mga panaginip para sa mga Ayta sa kontekso ng kalusugan, pamilya, at hinaharap. Huli sa lahat ang Kagawian, kung saan tatalakayin ang mga kagawian ng mga Ayta patungkol sa panaginip kagaya ng pag-aanito, patayan, at ang pagbabahagi ng mga panaginip.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1311
Appears in Collections:BA Behavioral Sciences Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-B108.pdf
  Until 9999-01-01
5.6 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.