Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2086
Title: | Panimulang Paglilikom sa Pamanang-bayan ng Siniloan, Laguna |
Authors: | Mohammed, Laila Magdy El Fadil J. |
Issue Date: | Mar-2008 |
Abstract: | Ang mga mamamayang Tagalog, kabilang ang mga naninirahan sa mga probinsiya ng Batangas, Rizal, Quezon at Laguna, ay kilalang mayaman sa likas na yaman at kultura. Kabilang sa mga ito ang mga mamamayan sa bayan ng Siniloan sa Laguna, nakikinabang at ikinabubuhay ng mga tao ang kanilang paligid kung saan katabi lamang nila ang Laguna de Bay at ang kabundukan ng Sierra Madre, kaya naman ang mga baying ito ay mayaman din sa mga kakaibang paniniwala at tradisyong pinakikiisa sa kanilang kapaligiran. Sa pag-aaral na ito, tinugon ang suliranin na wala pang nagdodokumento at nag-aaral ng mayamang kulturang ito ng Siniloan, bukod sa pag- iipon ng mga kalinangang-bayang ito, layon din ng pag-aaral na sagutin ang tanong na kung ano ba ang pangunahing diwang namumutawi sa mga kalinangang-bayang ito. Sa pag-aaral na ito, sa pamamagitan ng obserbasyon, pananaliksik at panayam sa mga mamamayan ng Siniloan ay kinolekta ang mga datos tungkol sa mga kalinangang- bayan na ito at sa huli ay sinuri upang humalaw ng isang pangunahing diwa, ang diwa ng pakikipagkapwa na siyang prominente sa bawat kaugalian at gawain ng mga taga- Siniloan. Napag-aralan na sa mga kalinangang-bayang ito, gaya ng kanilang mga alamat, mga pagdiriwang at pagtitipong-bayan at sa mga kilalang pigura sa bayan, na ang halos lahat ng kanilang gawain ay ginagawa ng sama-sama at hindi ng iisang tao lamang, na palagi nilang kaakibat ang mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, at kababayan, at ang pagsasama-sama nilang ito ay hindi basta basta lamang kung hindi isang malalim na pakikiisa at pag-uugnay ng sarili sa kanyang kapwa. Kung gayon, buhay na buhay ang konsepto ng kapwa sa mga kalinangang-bayan ng Siniloan. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2086 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
G73.pdf Until 9999-01-01 | 173.08 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.