Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2089
Title: | Maria Velez: Ang Mitikal at Pangkasaysayang Dimensyon ng Isang Alamat |
Authors: | Lucindo, Jenny B. |
Issue Date: | Mar-2007 |
Abstract: | Layunin ng pag-aaral na ito na ipakita ang mga alamat ukol kay Maria Velez sa aspeto nitong mitikal at pangkasaysayan, kasama na ang pagbabahagi ng mga pananaw, paniniwala, at pang-unawa ng mga tao sa Mariveles, Bataan ukol dito. Sa pamamagitan ng mga ito, mauunawaan ang kamalayan ng mga taga-Mariveles. Layunin ding alamin kung ano ang bahagi ng kultura at sining ng bayang Mariveles ang kaugnay sa alamat ni Maria Velez. Upang masagot ang pangunahin at sekondaryong suliranin sa pag-aaral, isinagawa ang mga sumusunod na hakbangin: kumuha ng mga impormasyon at detalye mula sa mga babasahin, sa pamayanan, at sa mga taong nagpaunlak na sila ay makapanayam; mula sa pamamaraang ito ay kinuha ang iba’t-ibang bersyon ng alamat ukol kay Maria Velez, kasama na ang mga saloobin ng mga residente tungkol dito; nakatulong din sa pag-aaral ang pagsangguni sa kasaysayan ng kanilang bayan at ng lalawigan. Ang datos na nakuha ay sinuri sa paraang paglalarawan, at pagbibigay-kahulugan. Upang mapatotohanan interpretasyon ang mga impormasyong nakalap ay sumangguni sa komunidad na may kinalaman sa paksa. Sa pagtatapos, napag-alaman sa pag-aaral na mas matimbang ang aspetong mitikal ng mga alamat ukol kay Maria Velez, subalit mayroon din itong munting batayan sa kasaysayan na kailangan pang pag-aralan ng mas malalim. Natuklasan na ang kanyang kuwento ay ibinatay din sa isang mas lumang kuwento. Napag- alaman din na ang alamat ni Maria Velez ay sumasakop din sa kamalayang pampook at hindi lamang sa dimensiyong mitikal at pangkasaysayan. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2089 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
G86.pdf Until 9999-01-01 | 88.38 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.