Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2095
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorPaglinawan, Jennibeth Francisco-
dc.date.accessioned2023-04-24T03:13:07Z-
dc.date.available2023-04-24T03:13:07Z-
dc.date.issued2008-04-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2095-
dc.description.abstractAng pangunahing katanungan ng pag-aaral ay, Anu-ano ang katangian ni Aling Sapia bilang manggagamot ng bayan sa Barangay Bagbaguin, Caloocan City. Ang kahulugan ng manggagamot ng bayan ay mga manggagamot na mayroong espiritung bantay (spirit guide) na siyang nagbibigay ng kakayahan kung bakit sila nakapanggagamot. Upang masagot ang tanong na ito ay nagsagawa ng sumusunod na paraan. Sa pagkalap ng datos, nagsagawa ng field research na tumagal ng humigit-kumulang isang buwan. Nagsadya sa bahay ni Aling Sapia upang personal na makapanayam ang manggagamot. Naghanap ng mga datos sa mga libro at internet. Ang Barangay Profile ay hiningi sa Barangay Hall ng Bagbaguin. Sa pagsusuri at interpretasyon ng mga datos ay gumamit ng 'descriptive', 'thematic' at 'conceptual' analysis. Ang mga ito ay ginamit upang makita ang mga katangian, mailarawan ang mga datos na nakuha, makita ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga datos at talakayin ang mga konseptong mayroon ang mga datos na nakalap. Sa pagtatasa ng mga datos na nakalap ay nagsagawa ng 'community validation' na nagpapakita ng intersubjective consensus. Nagtanung-tanong sa ibang mga tao sa komunidad upang mapatunayan na kilala si Aling Sapia bilang manggagamot ng bayan. Sa pamamagi tan nito ay nalaman na ang mga tao sa Bagbaguin ay may conventional truth kung saan sila ay naniniwala sa isang bagay. Nang makalap, masuri, at matasa ang mga datos, napag-alaman na si Aling Sapia ay pinagkakatiwalaan bilang manggagamot ng bayan sa Barangay Bagbaguin, North Caloocan. Siya ay natuto hindi dahil sa edukasyon kundi dahil sa panaginip at utos sa kanya ng mga espiritung bantay na nagdidikta sa kanyang isipan ng mga dapat na gawin. Napag- alaman na kahit na no read, no write si Aling Sapia ay may talino siya sa ibang bagay na labas sa akademya. Ito ang panggagamot. Hindi siya tumatanggap ng kabayaran sa dahil kuntento na siya sa bigay sa kanya ng Diyos. natuklasan na bagamat moderno na ang panahon ay hindi pa rin nakakaligtaan ang mga manggagamot ng bayan tulad ni Aling Sapia. Maaring bumaba ang bilang ng mga nagpapagamot sa manggagamot ng bayan ngunit ang mahalaga ay hindi pa rin ito binabalewala ng ilang mga tao partikular na nga sa maliit na komunidad ng Barangay Bagbaguin.en_US
dc.titleAling Sopia: Mga Kwento, Kasaysayan at Karanasan ng Isang Manggagamot ng Bayanen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
G107.pdf
  Until 9999-01-01
77.55 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.