Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2096
Title: Agtugda Kamote: Tradisyon sa Pagtatanim - Kamote ng mga Alangan Mangyan (Paitan, Naujan Oriental Mindoro)
Authors: Valenzuela, Kristian Vida A.
Issue Date: Jun-2008
Abstract: Ang tanong ng pag-aaral tungkol sa tradisyon ng pagtatanim ng mga Alangan Mangyan sa Naujan Orientai Mindoro ay, “Paano maipapakahulugan at maipapakita ang tradisyon ng pagtatanim - kamote ng mga Aiangan Mangyan?” Upang mabigyang kasagutan ang suliraning ito, nagsagawa ang mananaiiksik ng pagkalap ng datos sa mga aklatan upang makakuha ng mga impormasyon at upang maisagawa ang pag-aarai. Nagpunta rin sa Sugar ng mga Aiangan ang mananaiiksik upang magsagawa ng panayam batay sa paghahanap ng mga “key informant' sa mga Aiangan na makakatuiong sa pag sagot sa suliraning nabanggit. Matapos ang pagkalap ng datos, binigyang pagsusuri ng mag-aarai ang mga datos na nakalap batay sa kaniiang mga sagot sa katanungan at ilan pang mga kwentong kusa nilang ibinigay nang walang katanungan. Nagkaroon din ng ebalwasyon batay sa pag-aaral at sa tradisyon ng pagtatanim ng mga Aiangan mula sa paningin ng mga Aiangan Mangyan mismo at sa pansariiing pagtatasa ng mag-aaral bilang tagamasid. Batay sa masusing pag-aarai at pagkaiap ng mga datos sa paksang ito ay nag-karoon ng kasagutan ang suliraning inihayag at pinapakita na ang tradisyon sa pagtatanim ng kamote ay mauunawaan sa pamamagitan ng mga sumusunod na katangiang nahango: Una, napag-aiaman na may malalim na kaugnayan sa mundo ng mga espirito ang pagtatanim; Ikalawa, napag-aiaman na may pagpapahafagang ipinapakita ang mga Alangan Mangyan sa kalikasan sa kanilang pagtatanim na makikita sa kanilang mga paniniwala at ritwal; at Ikatlo, makikita ang pagpapahaiaga nila sa kapwa Alangan. Higit sa lahat, naipapakita nila sa kanilang pamamaraan ang matibay na pagpapahaiaga sa kailikasan at sa mga espritu kahit sa ngayon kung kaya’t makikita at mauunawan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay nabtibuhay pa rin ang kanilang tradisyon sa pagtatanim.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2096
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
G108.pdf
  Until 9999-01-01
70.04 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.