Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2151
Title: | Ang Ekonomyang Politikal ng Alternatibong Pamamahayag Bilang Instrumento sa Pagpapalalim ng Panlipunang Kamulatan at Pampulitikang Edukasyon |
Authors: | Fernandez, Yfur Porsche Punzalan |
Issue Date: | Feb-2010 |
Abstract: | Ang pagkakakilanlan ng Pamahayagang Pilipino ay nakaugat sa ipinalalaganap na katangian ng mainstream media - nakatali sa interes ng korporasyon, maka-selebriti, kontrolado ng iilang burukrata at sumusunod sa paradigmang Kanluranin. Ang pananatili ng mga atrasadong praktis nito ay mariing maiuugat sa istruktura ng lipunan kung saan may higit na kontrol at impluwensya ang mga nakaangat sa materyal na kondisyon at yaong nagtatamasa ng kapangyarihang pulitikal. Sa paglipas ng panahon, ang mainstream media bitbit ang kaisipang awtoritaryan ay kinakitaan ng malalawig na kontradiksyon sa teorya at praktis. Mas naging malupit ang pandarahas at panunupil sa sektor ng pamahayagan kasabay ang paglansag sa iba pang progresibong elementong nagsusulong ng makabayang interes. Sa matagal nitong pag-iral, pinanatili ng iilan ang ganitong kaayusan upang patuloy na magamit sa pagsusulong ng pansariling interes. Bunga nito ay ang pagpilay sa anumang umuusbong na alternatibo sa nanaig na sistema ng pamahayagan. Nanatili rin ang atrasadong katangian ng midya - sa usapin ng pagkonteksto, pagpoproseso at pagbibigay lalim sa impormasyong kailangan at karapatang malaman ng publiko. Bigong makapaglatag ang mga nakalipas na rehimen ng komprehensibong pamahayagang makapagbibigay ng angkop na kondisyon upang maisagawa ng publiko ang papel nito bilang mamamayang mapangmatyag, mapanuri at kritiko. Ang publikong ang tanging inaasahan ay ang impormasyong inilalathala o inieere ng mainstream ay may higit na tendensiyang tanggapin lamang ang mga ito batay na rin sa naitaguyod na katangian ng tradisyunal na midya - kaisipang patuloy na namamayani bilang tunay na mukha ng pamahayagang Pilipino. Maigting pa rin ang pangangailangan upang siyasatin ang nilalaman, paraan ng pagturin at pagsusuri ng midya sa mga isyung panlipunan. Sapagkat nakasandig pa rin ang mga Pilipino sa daluyang mainstream, isang mabigat na hamon sa alternatibong midya ang mapalakas ang pwersa nito upang iwasto ang baluktot na pamamaraang ipinalalaganap ng tradisyunal na midya sa usapin ng pagkonteksto at pagbibigay-lalim sa mga batayang isyu. Ang alternatibong midya ang direktang tutugon sa kahinaan ng mainstream - sa usapin ng pagpapalalim sa panlipunang kamulatan at pampulitikang edukasyon. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2151 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
E386.pdf Until 9999-01-01 | 95.43 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.