Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2173
Full metadata record
DC Field | Value | Language |
---|---|---|
dc.contributor.author | Tarun, Trisha Ann W. | - |
dc.date.accessioned | 2023-05-12T06:29:50Z | - |
dc.date.available | 2023-05-12T06:29:50Z | - |
dc.date.issued | 2022-05 | - |
dc.identifier.uri | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2173 | - |
dc.description.abstract | Sa isang patriyarkal na lipunan, lagi’t lagi, ang mga ina ay inaasahang gumampan sa magkakapatong na responsibilidad sa produksiyon, reproduksiyon, at komunidad, habang sila ay pinananatiling lantad sa karahasan. Sa Naga, Camarines Sur, sa rehiyon ng Bikol, kung saan pinalalaganap ang mukha ng pasismo sa pinaigting na militarisasyon, ang sektor ng ina ang isa sa mga nangunguna sa pagkilos tungo sa kolektibong pagpapanawagan sa mga isyung pampamilya at panlipunan. Sa pamamagitan ng Key Informant Interview, Focus Group Discussion, Survey, Field Research, Document Research, at Case Study, binigyang mukha ang mga karanasan ng mga ina sa mga pangmasang organisasyon sa gitna ng kulturang kontra-babae at kontra-mahirap. Ang paglabas ng mga organisadong ina sa tahanan tungo sa lansangan upang magmobilisa at manawagan ay naging daan upang isapulitika ang kanilang mga isyung pampamilya. Dito ay bitbit nila ang mga suliranin sa kasarian ng mga kababaihan, sa lupa ng magsasaka, sa sahod ng manggagawa, at sa edukasyon ng kabataan – mga pangkarapatang usapin dala ng mga sektor na primaryang kinabibilangan nila at ng kanilang pamilya. Nakita ng pag-aaral na ang ina, bilang bahagi ng pamilya at lipunan, ay hindi na lamang nakapailalim at sunud-sunuran sa dikta ng kapaligirang nilikha ng patriyarkiya at pinananatili ng pasismo. Ang mga ina sa Naga, Camarines Sur mismo ay nangunguna sa pagkamit ng pangkultura, pampulitika, at pang-ekonomiyang pagbabago sa loob ng kanilang pamilya, komunidad, at bansa. | en_US |
dc.title | SA NGALAN NG INA, TAHANAN, AT BAYAN: Pagsiyasat sa Patuloy na Pagkilos ng mga Organisadong Ina sa Camarines Sur sa Gitna ng Patriyarkiya at Pasismo sa Panahon ng Administrasyong Duterte | en_US |
dc.type | Thesis | en_US |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-E293.pdf Until 9999-01-01 | 2.68 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.