Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2241
Title: | Kolektibang Pagsasaka ng Balikatan sa Bukatot, Silang, Cavite |
Authors: | Salazar, Christine Ruth P. |
Issue Date: | 2007 |
Abstract: | Ang tesis na ito ay isang pag-aaral ukol sa implentasyon at kasulukuyang estado ng kolektibang pagsasaka ng samahan ng mga magsasaka, Balikatan, sa lupang madugo nilang pinasok o sa Bukatot sa baying ng Silang, Cavite. Ginamit ang istorikal materyalismo bilang teoretikal na pananaw sa pag-aaral na ito. Ang ipotesis ng tagapagsaliksik ay tagumpay ang implementasyon ng ganap na kolektibang pagsasaka dahil sa nanatiling buo at gumagampan ng gawain sa bukid sa buong panahon ang mga miyembro ng Balikatan. Upang masagot ang katanungan, ang tagapagsaliksik ay lumubog sa pamayanan at nakipamuhay sa mga miyembro ng Balikatan, gayon din ay nagpasagot ng questionnaire at naginterbyu sa mga miyembro ng Balikatan pati na sa mga taong may kaalaman ukol sa paksa. Ginamit ang chi-square test sa analisis at interpretasyon ng mga datos na nakalap sa sarbey, kung saan lumabas na hindi naging matagumpay ang kolektibang pagsasaka sa batayang maraming miyembro ang hindi na regular o madalang na pumunta sa Bukatot dahil sa walang pinansyal na kita sa pagsasaka dito o hindi nito natutugunan ang pangangailangang pinansyal ng pamilya ng bawat miyembro. Ang tesis na ito ay nahahati sa apat na bahagi. Ang balangkas na gumabay sa pag-aaral pati ang batayan at tuntungan na nagluwal sa tesis na ito ay sa unang kabanata nakapaioob. Sa ikalawang kabanata nakatala ang bakgrawnd ng pag-aaral at kasaysayan ng mga isyung may kinalaman sa paksa. sa ikatlong bahagi matatagpuan ang mga datos na nakalap mula sa sarbey at participant observation, pati na ang analisis ng mga datos na nakalap. Sa ikaapat at huling kabanata, ang konklusyon at mga rekomendasyon ukol sa paksa para sa Balikatan, pati sa mga susunod pang mga mananaliksik at interesado sa paksa at kaugnay na paksa. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2241 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
E302.pdf Until 9999-01-01 | 77.96 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.