Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2291
Title: Ang Pag-Aaral Ukol sa Kalagayan ng mga Sidewalk Vendors sa Baclaran sa Gitna ng Pagpapatupad ng Sidewalk Clearing Program ng Metropolitan Manila Development Authority
Authors: Pural, Renleth Joy V.
Issue Date: 2007
Abstract: Ang Metropolitan Manila Development Authority ay ang awtoridad na namamahala sa pagpapaunlad ng kalakhang Maynila, at ang isa sa kanilang mga programa ay ang Sidewalk Clearing na kung saan kanilang lilinisin ang mga sidewalks, lansangan, kanto, tulay, parke, at iba't-ibang mga pampublikong lugar sa Metro Manila na may mga ilegal na imprastraktura at mga nakakaabala sa gawain. Sa pag-iimplementa ng programang ito, ang pangunahing naaapektiihan ay ang mga sidewalk vendors dahil sa kakulangan ng ibang maaring mapagkakakitaan at hindi kayang bayaran ang upa sa mga pwestong paupahan ay nananatili silang nakatali sa ganitong klase ng paghahanap-buhay. Masama ang naidudulot ng programang ito sa mga Sidewalk vendors sa Baclaran, malaki ang nababawas sa kanilang mga kita at minsan nga ay nagiging marahas pa ang pag-iimplimenta ng MMDA sa programang ito kung kaya minsan ay napapahamak pa ang kanilang buhay. Sa pag-aaral na ito, mapapatunayan ang kalagayang ito ng mga sidewalk vendors gayundin naman ang patunay na hindi gaanong nkakaapekto ang programang ito sa mga mamimili sa mga sidewalk vendors na ito. Makikita rin na mali ang pamamaraan ng pag-iimplimenta ng MMDA sa programang ito at kulang sila ng mga altematibo para sa ibang maaaring mapagkukuhanan ng ikabubuhay ng mga sidewalk vendors na ito.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2291
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
E298.pdf
  Until 9999-01-01
48.11 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.