Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2353
Title: Handa na ba ang Dasmarinas (Cavite) na maging Lungsod?
Authors: dela Rosa, Mary Rose R.
Keywords: Dasmarinas
Cavite
Munisipalidad/ 1991 LGC
Issue Date: May-2006
Abstract: Ang Dasmarinas ay nagsimula bilang isang payak na bayan sa Cavite. Sa paglipas nang panahon, nasaksihan ng mga residente nito at mg a karatig-bayan ang kanyang pag- unlad. Ang dating agrikultural na pamumuhay ay naging industriyal. Natuon ang kabuhayan ng mga mamamayan ng Dasmarinas sa mga komersyal na trabaho tulad ng sa pabrika. Sari-saring mga industriyal na establisimyento ang naitatag sa Dasmarinas kasabay ng mga institusyon tulad ng mga ospital at mga pamantasan. Ang tesis na ito ay isang pag-uusisa kung ang munisipalidad ng Dasmarinas ay handa na ba maging lungsod. Ilalahad sa pag-aaral na ito ang deskripsyon ng bayan ng Dasmarinas. Tatalakayin din dito ang mga pamantayan na nakasaad sa 1991 Local Government Code of the Philippines ukol sa pagbubuo ng isang lungsod. Sa bandang huli, aalamin ng tesis na ito kung naisakatuparan ba ng munisipalidad ng Dasmarinas ang mga probisyon sa 1991 Local Government Code.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2353
Appears in Collections:BA Social Sciences

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
A130.pdf
  Until 9999-01-01
96.3 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.