Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2425
Title: | Gawing Ginhawa: Kritikal na Pagsusuri ng mga Kinagawian at Pamamaraan ng Nakatatandang Pilipinong Naninirahan sa Distrito V ng Lungsod Quezon sa Pagkakasakit |
Authors: | Cruz, Cyrene Gail S. |
Keywords: | Kalagayang pangkalusugan Salik na nakaaapekto sa kalusugan (social determinants of health) Gawi at pamamaraan sa pagkakasakit (health-seeking behavior) Senior citizen Kalusugan at kaunlaran |
Issue Date: | Jun-2023 |
Abstract: | Ang mga senior citizen, populasyong kinabibilangan ng edad animnapu (60) pataas, ay bulnerable sa kanilang kalagayang pangkalusugan sapagkat sa kanilang edad madalas lumalabas ang iba’t ibang uri ng karamdaman. Sa kadahilanang ito, layunin ng pananaliksik na (1) tukuyin ang kalagayang pangkalusugan ng mga nakatatandang naninirahan sa Distrito V ng Lungsod Quezon sa pamamagitan ng case study at suring-salaysay; (2) ilantad ang mga gawi at pamamaraan ng mga Pilipinong nakatatanda sa pagkakasakit sa pamamagitan ng penomenolohiya at suring-pampakay; at (3) siyasatin ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng mga gawi sa pagkakasakit ng mga Pilipinong nakatatanda sa pamamagitan ng batayang teorya at suring-diskurso. Mula sa tatlong layunin na ito ay nakabuo ng tatlong tema: Ang Triple Burden of Disease ng Nakatatanda, Ang Penomena ng Gawi, at Bulnerabilidad bilang Ugat ng Gawi at Pagkakasakit. Sa ilalim ng ‘Ang Triple Burden of Disease ng Nakatatanda,’ natagpuan na ang mga senior citizen ay maaaring magkaraoon ng nakahahawang sakit, di-nakahahawang sakit, at sakit na dulot ng agarang urbanisasyon at industriyalisasyon. Sa ‘Penomena ng Gawi’ tinalakay ang tatlong yugto na pinagdaraanan ng nakatatanda kung sila ay magkasakit: pagtitiis, pagpapagamot, at pagpapagaling at pagpapalakas. Ikahuli, nakita sa ‘Bulnerabilidad bilang Ugat ng Gawi at Pagkakasakit,’ na ang sistemang pangkalusugan, ekonomiya, at politika, ay nakalilimita sa gawing maaaring pagpilian ng nakatatanda, kung kaya’t sila ay mas bulnerableng magkasakit. Bunsod nito, bumuo ng mga rekomendasyon na naglalayong mapag-uswag pa ang kalagayan ng nakatatandang naninirahan sa Distrito V ng Lungsod Quezon. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2425 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-E300.pdf Until 9999-01-01 | 23.08 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.