Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2428
Title: PABAHAY AT PAMUMUHAY: Kritikal na Pagsusuri sa Epekto ng Proyektong BaseCommunity sa Maralitang Lungsod ng Baseco, Maynila
Authors: Ejera, Ashley Victoria T.
Issue Date: Jun-2023
Abstract: Ang pag-usbong ng mga dahop na pamayanan ay matagal ng isyu na kinakaharap ng Pilipinas. Bagama’t may mga programang pabahay na ipinatutupad ang pamahalaan, ang bilang ng mga taong naninirahan sa informal settlement, peligrosong lugar, at lansangan ay patuloy na mataas. Ang pabahay sa kalunsuran ay isang bagong pamamaraan upang tugunan ang suliranin na ito. Sa Lungsod ng Maynila, ipinatupad ang Manila Urban Housing Ordinance na may pangunahing layunin na magtayo ng mas maraming horizontal at vertical na pabahay sa lungsod upang mabigyan ng disenteng tahanan ang mga Manileño at mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay. Ang Baseco Compound, isa sa pinakamalaki at pinakamatagal na informal settlement sa bansa, ay isa sa mga lugar na pinili para sa proyektong pabahay na tinawag na BaseCommunity. Bilang sentro ng pag-aaral, aalamin ang proseso sa pagtatayo nito, pagpili ng mga benepisyaryo, at ang epekto sa pamumuhay ng mga residente. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, gumamit ng historical research design, participatory action research at correlational bilang metodolohiya. At dahil ito ay isang kwalitatibong pag-aaral, nagsagawa ng Key Informant Interview (KII), Case Study, at Document Analysis upang kumalap ng datos at impormasyon habang Narrative Analysis at Thematic Coding upang suriin ang mga ito. Sa pangkabuuan, bagama’t may magandang hangarin ang implementasyon ng relokasyon sa loob ng kalunrasan, ito ay may mga kaakibat na suliranin. Ang mga ito ay dapat bigyan ng pansin upang maging matagumpay ang programa at maabot ang mithiin na mapabuti ang buhay ng mamamayan.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2428
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E302.pdf
  Until 9999-01-01
2.21 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.