Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2501
Title: Pagdiriwang ng Regada s a Cavite City: Simula, Kahalagahan at Pamamahala
Authors: David, Maria Kristine Rose M.
Issue Date: 2007
Abstract: Ang pananaliksik na isinagawa ay nagnais na mabigyang linaw ang suliraning: Paano mauunawaan ang pagdiriwang ng Regada sa Cavite City? Sa ilalim ng suliraning ito ninais din ng pag-aaral na ito ang bigyang kasagutan ang sumusunod na katanungan: una, Paano nagsimula ang pagdiriwang ng Regada sa Cavite City?, ikalawa, Ano ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito?, ikatlo, paano ito kasalukuyang pinamamahalaan ng Cavite City Tourism Council? Nangalap ng mg a datos sa pamamagitan ng mg a panayam sa mg a namamahala sa pagdiriwang, mga residente sa Padre Pio at ''Palace" at mg a nakikilahok sa pagdiriwang, obserbasyon, at pagsasaliksik mula sa mga libro, babasahin, dyaryo at internet. Ang mga nakalap na datos ay sinuri sa pamamagitan ng descriptive analysis at paghanap ng nthematic patterns^ sa mga nakalap na impormasyon. Ang mga datos na nakalap ay tataasin sa pamamagitan ng Community Validation. Sa pagtatapos na 1 aman na ang pagdiriwang ng Regada sa lungsod ng Cavite ay nakaugat sa kapistahan ni San Juan Bautista na ipinagdiriwang ng mga taga Padre Pio at ''Palace" bilang pasasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap mula sa katubigan dahil na rin sa pagbabasbas ni San Juan Bautista rito. 工to ay binubuo ng mga di-materyal at materyal na elemento. Ang bumubuo sa materyal na elemento ng pagdiriwang ay ang mga aktibidad na isinasagawa at ang bumubuo naman sa di-materyal na elemento ay ang kahalagahan at kabuluhan nito sa mg a mamamayan at lungsod. Ang pagdiriwang ng Regada ay masasabing isang simbolo ng kultura at pagkataong-bayan ng Cavitenos. Mahalaga ang pagdiriwang dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: kakakitaan ito ng pagkarelihiyoso at paniniwala ng mg a Caviteno kahalagahan ng pangangalaga sa tubig, paggugunita sa kasaysayan ng lungsod,■ kultural na aspeto at pagpayabong sa industriya ng turismo ng lungsod. Ito ay manipestasyon ng kultura, paraan ng pamumuhay, paniniwala at kasaysayan ng mga mamamayan at lungsod ng Cavite. Bagamat ang Cavite City Tourism Council ang pangunahing namumuno sa pagdiriwang, kaagapay nito sa pagpapatupad ng pagdiriwang ang lokal na pamahalaan, mga organisasyon, pribado at publikong sektor at mga mamamayan. Bagamat magkakahiwalay na bahagiz tulong-tulong at nagkakaisang kumikilos para sa pagdiriwang ng Regada.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2501
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
G78.pdf
  Until 9999-01-01
116.01 MBAdobe PDFThumbnail
View/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.