Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2505
Title: | Ang Dururu ng mga Aetas sa Villa Maria, Porac, Pampanga |
Authors: | Matitu, Ace Y. |
Issue Date: | 2007 |
Abstract: | Ang tunguhin ng Tesis na ito ay sagutin ang pangunahing suliranin, ''Buhay pa ba ang Tradisyon ng Dururu ng mga Aeta sa Pampanga?” Upang masagot ang suliranin, ako ay nagsagawa ng pangangalap datos sa pamamagitan ng pananaliksik sa larangan (field research) at sa tulong ng mga panayam sa mismong komunidad ng mga Aetas sa Pampanga. Sa pamamagitan nito, napanatili ang katiyakan ng lahat datos na nakalap. Bukod dito, ang mananaliksik ay nagsagawa rin ng pagmamasid sa lugar na pinag-aaralan, nagkaroon rin ng pagbabasa na ilang mga solatia upang mas mapalawig at mapaganda ang ginawang pagpapaliwanag at pagsagot sa suliranin. Sa pagtatapos ng papel, nalaman na ang tradisyon ng awit ng mga Aeta ay buhay pa hanggang sa pangkasalukuyan. Gayunpaman, ito ay buhay na lamang sa kaisipan at patay na sa diwa ng komunidad. Nananatili na lamang ito sa memorya ng mga nakatatanda sa komunidad. Gayunpaman, sa patuloy na pagbabago-bago ng kapaligiran ng mga Aeta at sa pagbabago sa kanilang uri ng pamumuhay, maaari itong tuluyang mamatay o magpatuloy ang kasalukuyang ebolusyong nangyayari sa nasabing awit. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2505 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
G89.pdf Until 9999-01-01 | 47.6 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.