Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2574
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorde Guzman, Cresenda Jefferson S.-
dc.date.accessioned2023-12-05T00:16:54Z-
dc.date.available2023-12-05T00:16:54Z-
dc.date.issued2007-04-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2574-
dc.description.abstractBilang isang patunay ng buhay na tradisyon, ang bayan ng Cuenca ay nagsasagawa ng tradisyonal na kasalan kasama ang tradisyon ng Sabog. Dahil sa kanaisan ng mananalikik na pag-aralan ang tradisyon na ito gayundin na maipaalam sa iba ang kahalagahan ng kanilang tradisyon, siya ay naghain ng: Ano ang mga hakbangin (steps) na bumubuo sa kasalan base sa paniniwala ng mga Cuenqueno? Gayundin din ang katanungang,Ano ang Ugnayan ng sabugan at Kasalan? At Kahalagahan ng mga tradisyong ito para sa mga Cuenqueno? Upang masagot naman ang katanungang inihain gumamit ang mananaliksik ng mga metodo sa kaparaanang field research, pagkakalap ng datos sa pamamagitan ng panayam, pagbabasa ng libro, pagsilip sa internet at di mabilang na pagsaksi sa kasalan. Naging pagsusuri naman ng mananaliksik ang descriptive thematic at conceptual analysis, dito inilarawan, tinignan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga datos. Ang balangkas diwa ay grounded theory sa kadahilanang data based ang ginawa na mananaliksik. Kumalap ng datos, inalisa, kumalap muli ng mas maraming datos at inalisa muli kaya1t nakabuo ng framework. Sa ginawa ding pag-aaral napatunayan na isang interpretative- cons tructivsit ang mananaliksik, kung saan lahat ng datos na ibinigay ng mga nakapanayam ang siyang ginawan ng pag-unawa ng mananaliskik. Sa pagtatapos ng pagkakalap ng datos, pag-aanalisa napag- alaman ng mananaliksik na binubuo ng ilang hakbangin ang kasal sa Cuenca, ito ay nagsisimula sa pagpapakilala o bulungan,susundan ng paninilbihan,pagbabaysan, pasayaw o disperas ng kasal,' kasalan at sabugan at pinaka-huli ang dapit. Mahalaga sa mg Cuenqueno ang mahaba at mabusising proseso ng pagpapakasal dahil ayon sa mga Cuenqueno ito ay kanilang nakagisnan na at tunay na bahagi na ng kanilang pamumuhay. Napatunayan din ng mananaliksik, batay sa ginawang pag-aaral na ang kasalan at sabugan ay tunay na magka-ugnay at hindi mapaghihiwalay katulad na lamang ng kalamay at tubig na isa sa pinaniniwalaan ng mg a Cuenqueno na kailangan sa isang kasal, katulad ng kalamay ang sabog, samantalang mistulang tubig naman ang paniniwala ng mananaliksik sa kasalan.en_US
dc.titleKalamay at Tubig: Tradisyon sa Pagpapakasal at Sabugan sa Bayan ng Cuenca,Batangasen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
G80.pdf
  Until 9999-01-01
92.9 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.