Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2575
Title: | Ang Parada ng Lechon sa Pista ng Patron sa La Loma (Nuestra Senora de Salvacion) |
Authors: | Ferrer, Dyan Jan M. |
Issue Date: | Mar-2007 |
Abstract: | Ang Parada ng Lechon ay isa sa mga pagdiriwang na ginaganap sa bayan ng La Loma tuwing kapistahan ng Mahal na Patron (Nuestra Senora de Salvacion). Bilang suliranin sa pag-aaral na ito, minarapat ng mananaliksik na sagutin ang sumusunod na katanungan: Ano ang kahalagahan ng pagsasagawa ng Parada ng Lechon tuwing Pista ng Patron sa La Loma, Quezon City? Bilang layunin ng pag-aaral, nais ng mananaliksik na tuklasin ang kahalagahan ng Parada ng Lechon sa Pista ng Patron sa La Loma. Upang maisagawa ang pag-aaral, minabuti ng mananaliksik na pumunta sa mismong lugar at kapanayamin ang mg a taong naging malaking bahagi ng pista at Parada ng Lechon. Ganoon din ang paghahanap ng mga artikulo mula sa internet at mga pahayagan para sa mga karagdagang impormasyon na lubos na nakatulong sa pagsasagawa ng pag-aaral. Matapos ang pagkakalap ng mga datos, sinuri ang mga ito inula sa mga pagkakahalintulad na pahayag ng mga nakapanayam batay sa kahlagahan ng Parada ng Lechon batay sa kasaysayan nito, pagdiriwang, pagsasaganap at paglahok ng mga tindahan ng lechon. Sa pamamagitan ng ganitong paraan ng pagususuri, lumutang ang tatlong kasagutan sa suliranin ng pag-aaral. Ang Parada ng Lechon bilang is ang pasasalmat sa kanilang Mahal na Patron, bilang cultural tourism at bilang business promotion. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2575 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
G84.pdf Until 9999-01-01 | 125.25 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.