Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2576
Title: Ang Parada ng Sto.Nino sa Tundo
Authors: Rabino, Rubie Ann A.
Issue Date: Mar-2007
Abstract: Sa pananaliksik na ito matutunghayan ang iba't ibang larawan ng mga imahe ni Senor Sto.Nino na itinampok sa Fluvial Parade. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang pangunahing imahen ng Sto.Nino na lumalabas sa kabuuan ng Parada. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng pakikipanayam sa ilang miyembro ng Congregacion del Santisimo Nombre del Nino Jesus at Parish Pastoral Council ng Sto.Nino Church. Nangalap din ng karagdagang datos mula sa mg a aklat, magasin, souvenir programs at iba pang mga babasahin. Ginamit ding sanggunian ang ilang internet sites. Sa pag-aaral ay napag-alamang ang lumalabas na pangunahing imahen ng Sto.Nino na itinampok sa parada ay ang imahen ng bata na banal at makapangyarihan at ang imahen ng bata bilang pangkaraniwang taong katulad natin. Gayunpaman, sa mas malalim na pagsusuri ay lumalabas din ang imahen ng Sto.Nino bilang batang nag-uugnay ng tao sa kapwa niya tao at ng tao sa Diyos.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2576
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
G91.pdf
  Until 9999-01-01
155.3 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.