Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/295
Title: | PESANTE: Isang pagsusuri sa mga ambag ng lider sa pagsulong ng batayang karapatan sa hanay ng magsasaka, mangingisda at katutubo |
Authors: | Tayag, Abigail C. |
Keywords: | Peasants leaders Peasants organization |
Issue Date: | Mar-2011 |
Abstract: | Nananatiling agrikultural na bansa ang Pilipinas. Ang mga magsasaka ang pangunahing sandigan ng ating ekonomiya. Ngunit sa mga nagdaang panahon, nananatili pa ring atrasado ang ating agrikultura na naglulugmok sa mayorya ng ating populasyon sa kahirapan. Ang pakikibaka ng mga magbubukid ay malaon nang bahagi ng kasaysayan. Lalo pa itong pinaigting ng patuloy na pagsasamantala ng mga mananakop at ng mga lokal na naghaharing-uri. Nananatili pa rin sa monopolyo ng iilang tao ang pangunahing salik ng produksyon—ang lupa. Ang mga suliranin na dala ng hindi pantay na relasyon sa pagitan ng panginoong maylupa at magsasaka ang dahilan kung bakit maraming maralitang magsasaka ang nag-aklas at umanib sa iba’t ibang samahanag magbubukid upang baguhin ang relasyon na ito at tuluyang wakasan ang monopolyo sa lupa. Dahil sa pagsasamantala sa uring magsasaka, gayundin sa sektor ng mangingisda at katutubo, malaki ang naging ambag ng mga lider pesante sa pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa hanay ng masang api. Sila ang mga pangunahing nagtaguyod ng karapatan ng mga magsasaka para sa lupa; karapatan ng mga mangingisda para sa pangsidaan sa bansa; at karapatan ng mga katutubo para sa lupang ninuno at sariling pagpapasya. Ang kanilang dedikasyon sa pagkilos ay hindi matatawaran. Ang kanilang mga naging ambag sa pagtatagumpay ng kilusang magbubukid ay mananatiling inspirasyon sa lahat upang magpatuloy pa sa paggigiit na maipatupad ang tunay na repormang agraryo at matamo ang pambansang demokrasya. |
URI: | http://cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/295 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-E02.pdf Until 9999-01-01 | E02.pdf | 462.75 kB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.