Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2960
Title: | Minahan ang Benguet: Ang Epekto ng Philippine Mining Act of 1995 sa mga Katutubong Kankana-ey ng Mankayan, Benguet |
Authors: | David, Maria Jeunessa D. |
Keywords: | Philippine Mining Act Benguet Mineral Small Scale Mining Pagmimina Indigenous People |
Issue Date: | 21-Mar-2003 |
Abstract: | Ang lalawigan ng Benguet ay mayaman sa mineral tulad ng ginto, pilak at tanso. Dahil sa maraming deposito ng mineral sa lugar,isa ito sa paboritong puntahan ng dayuhan upang minahin ang lupa. Malugod naman na tinatanggap at pinapapasok ng gobyerno ng Pilipinas ang malalaking kompanya upang magpatakbo ng kanilang korporasyon ng mina sa ating bansa. Pinaigting ng mga batas ng Small Scale Mining lalu na ng Philippine Mining Act of 1995 ang pagpasok ng mga kompanya ng mina na sabik na sabik minahin ang bulubundukin ng Pilipinas. Ang naturang batas ay ang liberalisasyon ng industriya ng mina na pinaniniwalaan ng gobyerno na siyang pag-asa sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas. Unti-unting nawawalan ng saysay ang ipinaglaban ng mga ninuno ng ating mga katutubo. Ipinaglaban ng mga ninunong Pilipino ang pagmamahal sa lupang minana mula pa sa kaninuninuan laban sa mga dayuhang mananakop. Ngayon, pilit na napapaalis sa kanilang lugar o katutubong lupa ang mga katutubo o indigenous people upang magbigay daan sa pagpapatakbo ng mina ng mga korporasyon. Walang malakas na katibayan ang pinaghahawakan ng mga katutubo sa kanilang pag-angkin sa kanilang lupain. Kahit ang mga pinalabas na mga CALC at CADC ay hindi kayang ipanlaban sa mga dayuhang kompanya ng mina dahil sa matinding pagpabor ng Philippine Mining Act sa mga kompanya. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2960 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2003_David MJD_Minahin ang Benguet Ang Epekto ng Philippine Mining Act of 1995 sa mga Katutubong Kankana-Ey ng Mankayan, Benguet.pdf Until 9999-01-01 | 20.34 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.