Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2994
Full metadata record
DC Field | Value | Language |
---|---|---|
dc.contributor.author | Escala, Imelda E. | - |
dc.date.accessioned | 2025-04-02T01:43:16Z | - |
dc.date.available | 2025-04-02T01:43:16Z | - |
dc.date.issued | 2002-03 | - |
dc.identifier.uri | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2994 | - |
dc.description.abstract | Ang pagkabaliw, bilang karamdaman sa pag-iisip, bukod sa pagtinging sikolohikal at biyolohikal, ay mahalagang pagtuunan din ng pansin sa perspektibong kultural. Makakamtan ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga katutubong paniniwala, pagpapakahulugan, at mga sariling pananaw na umiikot sa konseptwalisasyong ukol dito. Ginamit sa pag-aaral na ito ang mga katutubong pamamaraan sa pananaliksik (indigenous approaches) kagaya ng pakikipanayam, pagtatanung-tanong, pakikipagkwentuhan, at nakikiugaling pagmamasid. Isinagawa rin ang ilang case studies na ginamit na gabay sa mga dapat na patunguhan at suriin. Nakaragdag din sa pagpapayaman ng datos ang instrumentong palatanungan (questionnaires) na nagbigay-daan sa pagkakaroon ng “semiquantitative” na metodo. Napag-alaman mula sa mga nakalap na datos na ibinahagi ng mga kalahok na may edad 12 pataas na naninirahan sa baryo San Jose, Rosario, Batangas na ang kanilang pagkilala sa isang tao bilang baliw ay hindi naiitba sa mga katangian ng baliw na kinikilala ng Abnormal Psychology gaya ng pagiging bayolente at iritable, pagpapamalas ng mga di-akmang kilos, lihis na emosyon, magulong pagsasalita at pakikipag-uganayan, at di-malinaw na takbo ng pag-iisip. Mula sa pag-aaral ay nabatid din ang kanilang pananaw sa kung ano ang mga posibleng dahilan ng pagkabaliw ng isang tao. Ang mga nabanggit ay ang pagkalulong sa droga, pagdadala ng problema, pagiging palaisip, pagkakaroon ng mapait na karanasan, at ang pagkakaroon ng lahi ng baliw. Isa pa sa natuklasang pinaniniwalaan nilang dahilan ay ang “danyo” o may kaugnayan sa mga dipangkaraniwang nilalang o “supernatural elements”. Tatlong perspektibo ang lumabas kung saan maaring tingnan ang mga posibleng dahilan ng pagkabaliw ng isang tao. Ang una ay ang biokemikal kung saan nabibilang ang mga kaso ng kabaliwan bunga ng pagkalulong sa droga at ang pagiging namamana (hereditary); ang ikalawa ay yaong nauugnay sa aspetong emosyunal gaya ng pagdadala ng problema, pagkakaroon ng mapait na karanasan at pagiging palaisip; at ikatlo, ang mga paniniwalang hinubog sa ilallm ng perspektibong kultural. | en_US |
dc.subject | Karamdaman Sa Pag-Iisip | en_US |
dc.subject | Sikolohikal | en_US |
dc.subject | Katutubong Paniniwala | en_US |
dc.subject | Abnormal Psychology | en_US |
dc.subject | Supernatural Elements | en_US |
dc.title | Ang Konsepto ng Pagkabaliw | en_US |
dc.type | Thesis | en_US |
Appears in Collections: | BA Behavioral Sciences Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2002_Escala IE_Ang Konsepto ng Pagkabaliw.pdf Until 9999-01-01 | 16.9 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.