Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3152
Title: | Pagpopook at Pagdadalumat ng Kaginhawahan ng mga Magbubukid sa Bulacan: Isang Kritikal na Pakikipamuhay sa Harap ng (Trans)nasyunal na Agraryong Pagbabago |
Authors: | Bugarso, Nikko T. |
Keywords: | Kaginhawahan Pagpopook Pagdadalumat Magbubukid Uring Magsasaka |
Issue Date: | Jun-2025 |
Abstract: | Sa pagbubuo ng alternatibong balangkas pangkaunlarang nakaugat sa kolektibong kagalingan ng abang uri at nakikipagtalaban sa mga makapamilihang monoekonomikong paradigmang ipinapataw ng Pandaigdigang Hilaga, integral ang kritikal na pagsusuri sa pagpopook (contextualization) at pagdadalumat (conceptualization) ng mga magbubukid sa kaginhawahan bilang saligang hakbang ng pagpapanday ng kontra-kulturang diskurso at pagbabalangkas ng mga batayan para sa transpormatibo at makauring panlipunang pagbabago. Mula sa naging kritikal na pakikipamuhay at mga serye ng talapapagan at pakikipaghuntahan sa komunidad ng mga magbubukid sa Bulacan, nananatiling matatag ang pagkubabaw sa lalawigan ng pyudal na ugnayan sa lupa at dayuhang kapital. Makikita sa hanay ng mga agraryong mamamayan ang malalim na internalisasyon ng pyudal at kolonyal na kamalayan bilang ideolohikal na balangkas ng kanilang pag-unawa sa sarili, lipunan, at relasyon sa produksyon. Kunsagayon, nalilimitahan ang kanilang kaisipan sa pagturing sa mga anyo ng panlipunang inhustisya bilang likas na kalagayan habang sabay na ikinukulong ang kaginhawahan sa elitistang pamantayan ng personal na kasaganaang nakaugat sa materyal at espiritwal na kagalingan. Bunga ng ganitong kawalan ng makauring pagsusuri, naikakahon ng uring magsasaka ang kanilang politikal na praktika sa depolitisado at pragmatikong mga tugon na sa ibang mga tagpo ay nagdudulot ng internal na tunggalian sa kanilang hanay. Gayunpaman, likas na umuusbong sa kanila ang kontradiksyon sa pagitan ng hegemonikong kaisipan at pagpapahalaga at alternatibong panlipunang moralidad na kanilang nalilinang. Pinagkakalooban sila ng prosesong ito ng kakayahang unti-unting maisakongkreto ang mga sintomas at ugat ng kanilang maralitang kalagayan. Dito nabubukas ang espasyo upang higit nilang maipagtibay ang kanilang malalim na ugnayan sa lupa na nagsisilbing batayan ng pagpupunyagi sa kanilang pagkakakilanlan bilang mga agraryong mamamayan. Mula rito, higit nilang nalilinang ang abanteng ideolohiyang pampolitika na nag-aarmas sa mga ito na kolektibo at organisadong suriin, ilantad, at itakwil ang mga umiiral na anyo ng pagsasamantala habang kasabay na tinatambalan ito ng transpormatibong praksis na naglalayong buwagin ang malawakang sistemang mapagsamantala at mapang-api. Mula sa naging kritikal na pagsusuri sa mga pananaw at buhay na karanasan ng mga magbubukid sa Bulacan, itinatampok ng pag-aaral ang Agraryong Hustisya, Mapagpalayang Kamalayan, at Salimbayan ng Pagtataya at Pagkilos bilang mga pangunahing haligi ng makauring panlipunang kaayusang kinakatawan ang pagdadalumat at materyal na pagpopook ng mga magbubukid sa kaginhawahan. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3152 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2025_Bugarso NT_Pagpopook at Pagdadalumat ng Kaginhawakan ng mga Magbubukid sa Bulacan Isang Kritikal na Pakikipamuhay sa Harap ng (Trans)nasyunal na Agraryong Pagbabgo.pdf Until 9999-01-01 | 17.08 MB | Adobe PDF | ![]() View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.