Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3154
Title: | Bilang Parsyal na Katuparan sa mga Rekisito sa Development Studies 200 para sa Batsilyer ng Artes sa Araling Panlipunan |
Authors: | Del Rosario, Bridgette Chelsea E. |
Keywords: | Pandemiya Coronavirus disease (COVID-19) Migranteng Nars Pelikula Migrasyon Katatakutan Pakikibaka |
Issue Date: | Jun-2025 |
Abstract: | Tulad ng isang bangungot, paralisado ang iba’t ibang lokal na institusyon nang kumalat sa bansa ang novel coronavirus, o mas kilala bilang COVID-19. Sinabayan ito ng pagpapasara sa malaking media network sa bansa na pinagkukunan ng makabuluhang balita sa gitna ng pandaigdigang krisis pangkalusugan. Bago pa man ang pandemiya, samu’t saring suliranin na ang kinahaharap ng mga nars na Pilipino saan mang sulok ng mundo tulad ng hindi makatarungang sahod sa mabigat na responsibilidad dala ng kanilang trabaho. Ang iba’y pinipili na lamang mangibang bansa para sa kanilang mga pamilya, na nagdulot ng kakulangan sa manggagawang pangkalusugan sa Pilipinas. Noong pandemiya, ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban, sapagkat ayon sa kanya’y mas kailangan sila dito sa sarili nilang bansa. Ngayon, ang mga manggagawang pangkalusugan ay itinuturing na “heroes of the pandemic,” subalit ikinukubli nito na sila mismo’y mga biktima ng istraktural na isyu. Gamit ang tatlong teoretikal na balangkas: substructure and superstructure, socioecological model, at communicative ecology, sinuri ang mga suliranin noong pandemiya, at ang ugnayan nito sa mga simbolo at metaporang laman ng pelikulang katatakutan ni Erik Matti (2021) na pinamagatang Shit Happens bilang representasyon at repleksyon ng tunay na danas at pakikibaka ng mga migranteng nars na Pilipino. Ipinapakita ng pananaliksik na maaaring gamitin ang mga simbolo at metapora upang ipahayag ang mga pisikal, emosyonal, at sosyal na hamon ng mga migranteng nars na Pilipino sa mga elementong horror, tulad ng takot at survival, upang mabigyan ng malalim na pag-unawa ang kanilang pakikibaka sa harap ng masalimuot na sitwasyon ng kanilang trabaho at migrasyon noong pandemiya. Para matugunan ang layunin ng pananaliksik, nagsagawa ang mananaliksik ng multi-modal qualitative research sa pamamagitan ng video at photo elicitation, photovoice and captioning, at key informant interviews. Sinuri ang mga simbolo at metapora gamit ang critical semiotic analysis, thematic analysis, at textual/discourse analysis. Sa huli, ang pelikulang tampok ay hindi lahad na ipinakita ang tunay na danas ng mga migranteng nars na Pilipino, subalit ito ay naging mahalagang instrumento upang ipahayag ng mga tagabatid ang kanilang mga karanasan at suliranin sa tulong ng mga metodolohiyang ginamit at ang kanilang malayang pagpapahayag ng mga simbolismo at metaporang kanilang kinuhanan sa panonood ng pelikulang tampok. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3154 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2025_Del Rosario BCE_Sa Bangungot ng Pandemiya Ang Kritikal na Pagtatambal at Pakikipaglaban ng Pelikulang Katatakutan sa Danas ng mga Migranteng Nars na Pilipino.pdf Until 9999-01-01 | 27.93 MB | Adobe PDF | ![]() View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.