Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3157
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorHernandez, Kim Paula B.-
dc.date.accessioned2025-08-19T01:45:01Z-
dc.date.available2025-08-19T01:45:01Z-
dc.date.issued2025-06-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3157-
dc.description.abstractNagaganap lamang ang isang sakuna kung mayroong pagsasanib-pwersa ng bagay o pangyayaring maaaring makapagdulot ng panganib (hazards), at ng bulnerabilidad (vulnerability). Sa pagkakapook ng bansang Pilipinas sa heograpikal nitong lokasyon, at patuloy na pag-iral ng kahirapan, paniniil, malawakang pagyurak sa kalikasan, reaksyonaryong pagdulog sa mga problema, at kawalan ng katarungang panlipunan dito, hindi maipagkakaila na halos palaging tiyak ang sakuna. Mula sa lente ng sosyo-ekolohiya, nilayon ng pananaliksik na ito na siyasatin ang kwento ng isang komunidad ng pabahay na biktima ng kaunlaran (displacement by development) at siyang isinauling muli sa kinaroroonan ng panganib ng sakuna (re-placement into disaster). Upang ilahad ang kanilang katotohanang sa likod ng malabahagharing mga tahanan, at taglay na lokal na kaalaman mula sa mahabang panahon ng paninirahan sa tabi ng karagatan, gumamit ang pananaliksik ng pakikipanayam, transect walk, at talaarawan (participant diary), alinsunod sa critical disaster studies, kasama ang mga teorya ng social-ecological systems at risk society. Ang mga datos na nakalap ay sinuri sa pamamagitan ng pagtetema, suring-salaysay, at suring-deskriptibo. Mahihinuha na ang komunidad ng pabahay sa tabi ng alon ay patunay ng katatagan ng mga Pilipino sa harap ng anumang unos. Bagama’t hindi sa porma ng paggamit ng signos mula sa kalikasan bilang early warning signs, hayag ang kultura ng bayanihan at damayan bilang kanilang sandigan. Subalit, ang pagdulog dito ay bunsod din ng mga puwang na hindi napupunan o pinipiling hindi punan ng mga kinauukulan, na siyang nagtutulak sa komunidad na umasa na lamang sa kanilang mga sarili. Hindi lamang pangkaraniwang kwento ng katatagang Pilipino ang hatid ng katangi-tanging komunidad ng pabahay na ito. Kung magpapatuloy ang tradisyonal at reaksyonaryong pagdulog at pagpapakahulugan sa sakuna, kasabay ng pagkaubos ng espasyo sa siyudad, marami pa ang sapilitang maninirahan sa mapapanganib lugar at hindi na lamang sa Barangay Poblacion masisilayan ang mga bagay na isinasalaysay ng pananaliksik na ito.en_US
dc.subjectMitigasyonen_US
dc.subjectSosyo-Ekolohikalen_US
dc.subjectPanganiben_US
dc.subjectSakunaen_US
dc.subjectSocialized Housingen_US
dc.subjectBulnerabilidaden_US
dc.subjectKultura ng Bayanihanen_US
dc.subjectPagsusurien_US
dc.subjectDisplacement by Developmenten_US
dc.titleSa Gilid Kan Balod (Sa Tabi ng Alon): Sosyo-Ekolohikal na Pagsusuri sa Proyektong Mitigasyon sa Panganib ng Sakuna sa Socialized Housing sa Barangay Poblacion, Bacon, Sorsogon Cityen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Development Studies



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.