Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3277
Title: | Balangkas ng Bayan: Pagsusuri sa Papel ng Valenzuela City Cultural and Tourism Development Office sa Pamamahala ng Records Tungo sa Pagbuo ng Panlungsod na Artsibo |
Authors: | Bartolome, Cristine Joy |
Keywords: | Panlungsod na Artsibo Records Management Cultural and Tourism Development Office Records Continuum Theory Republic Act No. 9470 |
Issue Date: | May-2025 |
Abstract: | Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang papel ng Valenzuela City Cultural and Tourism Development Office (CATDO) sa pamamahala ng mga records na may kinalaman sa sining, kultura, at turismo bilang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng panlungsod na artsibo. Gamit ang Records Continuum Theory bilang analitikal na lente, sinuri ang kasalukuyang balangkas ng dokumentasyon sa tanggapan—mula sa identification and acquisition, intellectual control, access, hanggang physical control ng mga talaan. Natukoy na ang mga prosesong ito ay isinasagawa ngunit nananatiling nasa paunang yugto, at kadalasang wala sa ilalim ng malinaw na patakaran at teknikal na balangkas. Bagama’t kinikilala ng CATDO ang halaga ng lokal na kasaysayan, nananatili sa pre-archival stage ang mga inisyatibo. Inusisa rin ang pagsunod ng CATDO sa mga probisyon ng Republic Act No. 9470 (National Archives of the Philippines Act of 2007), at natukoy na hindi pa naitatatag ang mga pangunahing sangkap gaya ng Archives and Records Office, imbentaryo, at Records Disposition Schedule. Lumitaw na ang mga pangunahing hadlang ay ang mababang institusyonal na priyoridad, limitadong pondo at kakayahan, at ang kakulangan ng koordinasyon sa National Archives. Sa kabuuan, binibigyang-diin ng pag-aaral ang pangangailangang kilalanin at palakasin ang papel ng CATDO sa mas sistematikong pamamahala ng talaan, bilang pundasyon ng isang matatag at makabuluhang panlungsod na artsibo. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3277 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2025_Bartolome CJ_Balangkas ng Bayan- Pagsusuri sa Papel ng Valenzuela City Cultural and Tourism --Development Office sa Pamamahala ng Records Tungo sa Pagbuo ng Panlungsod na Artsibo.pdf Until 9999-01-01 | 26.68 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.