Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3278
Title: | Sa Likod ng Makukulay na Papel: Pag-aaral sa Sining ng Borlas de Pastillas ng San Miguel at Malolos, Bulacan sa Gitna ng Modernisasyon |
Authors: | Adorna, Hannah G. |
Keywords: | Borlas de Pastillas Sining Malikhaing Paggupit Tradisyong Panlipunan Culture Industry Theory Kulturang Bulakenyo |
Issue Date: | May-2025 |
Abstract: | Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa Borlas de Pastillas bilang sining ng malikhaing paggupit ng papel na bahagi ng tradisyong panlipunan sa San Miguel at Malolos, Bulacan. Nilalayon nitong ilarawan ang kasaysayan, proseso, at disenyo ng pabalat; tukuyin ang hamon sa pagpapanatili; at suriin ang epekto ng market integration at papel ng mga institusyon sa patuloy na pag-usbong ng sining sa makabagong panahon. Gamit ang kwalitatibong pananaliksik at panayam sa mga artesano, opisyal ng turismo, at lokal na negosyante, natukoy na ang Borlas de Pastillas ay sagisag ng pagkakakilanlan ng komunidad. Subalit, dulot ng mga hamong kinaharap ng sining, humina ang presensiya nito sa lokal na komunidad dahilan ng pagsanib nito sa komersyalisasyon. Gamit ang Culture Industry Theory nina Adorno at Horkheimer, nasuri ang tensyon sa pagitan ng kultural na integridad at pangangailangan makisabay sa modernong panahon. Gayunpaman, napatunayan sa pananaliksik ang potensyal ng Borlas de Pastillas na makapagpatuloy sa pamamagitan ng inobasyon—gaya ng paggamit ng modernong disenyo at materyales, integrasyon nito sa fashion, paggamit ng social media. Bagaman hindi na maiiwasan ang mga pagbabagong dulot ng modernong panahon, ang mahalaga ay nananatili ang tradisyunal nitong proseso sa paggawa—isang sining na ginagamitan ng puso, tiyaga, at paggalang sa pinagmulan. Sa kabuuan, nananatili ang Borlas de Pastillas bilang buhay na bahagi ng kulturang Bulakenyo. Ang pagtutulungan ng komunidad, pamahalaan, akademya, at negosyo ang susi sa patuloy nitong pagyabong sa makabagong panahon. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3278 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2025_Adorna HG_Sa Likod ng Makukulay na Papel Pag-aaral sa Sining ng Borlas de Pastillas ng San Miguel at Malolos, Bulacan sa Gitna ng Modernisasyon.pdf Until 9999-01-01 | 9.26 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.