Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3279
Title: | Oplan Dragdagulan: Ang Paggalugad sa Drag Den bilang isang Silong ng Kultura at Karanasan ng Sangkabaklaang Pilipino |
Authors: | Peralta, Arnel James |
Keywords: | Drag Den Reality Drag Pageant Kultura Karanasan Gayspeak Sining |
Issue Date: | May-2025 |
Abstract: | Hindi lahat ng bato ay ipinagbabawal. Dahil sa loob ng papel na ito, isang lungga ng mga adik ang inimbestigahan—ang hideout ng mga lulong sa drag. Matapos galugarin ang Drag Den, isang reality drag pageant na itinampok ang sariling wangis ng drag na umiiral sa bansa, natagpuan ng pananaliksik na ito ang mga ebidensyang pinanday sa loob ng palabas ang sumalamin sa kultura at karanasan ng sangkabaklaang Pilipino. Sinimulan ang imbestigasyon sa kumpletong panonood ng labing-anim (16) na episodes na mayroon ang palabas. Inilista ang mga detalyeng natunghayan mula rito na sumailalim sa proseso ng thematic analysis na nagluwal naman sa mga temang sinuri batay sa tatlong dalumat na inilapat sa pag-aaral. Una, ang paghugot sa kulturang bakla ni Garcia (1996), sunod, ang baklang humor na nakasandal sa konsepto ng humor ni Ancheta (2011) at pangatlo, ang salaysaying inilatag ni Garcia (2020) tungkol sa karanasang bakla. Sa tulong ng mga kaparaanang nabanggit, natagpuan sa pinangyarihan ang umaapaw na paggamit ng gayspeak kasama ang pagbida ng mga gayak at talentong bitbit ng isang konteserang bakla. Bukod rito, tumambad rin ang iba’t ibang tagpong nakitaan ng tatlong manipestasyon ng baklang humor: mula sa (1) incongruity, (2) superiority, hanggang sa mga tagpong taglay ang (3) release humor. Higit sa lahat, isiniwalat ng papel na ito ang mga katibayang laman ang mga kwentong ibinunyag ang karanasang natatamasa ng isang bakla sa bansa. Kaya naman, napatunayan ng kwalitatibong papel na ito na ang drag bilang isang anyo ng sining ay isang pwersa ng pagpiglas. Ang pagpiglas ng sangkabaklaan sa isang macho at heteronormatibong pamantayan. Ang drag na isang kasong walang sala, kundi isang sining na magpalaya. Bading, ang bato, Drag na! |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3279 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2025_ Peralta AJ_Oplan Dragdagulan. Ang Paggalugad Sa Drag Den Bilang Isang Silong Ng Kultur At Karanasan Ng Sangkabaklaang Pilipino.pdf Until 9999-01-01 | 16.85 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.