Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3280
Full metadata record
DC Field | Value | Language |
---|---|---|
dc.contributor.author | Guiron, Shane Lester | - |
dc.date.accessioned | 2025-09-29T04:58:39Z | - |
dc.date.available | 2025-09-29T04:58:39Z | - |
dc.date.issued | 2025-05 | - |
dc.identifier.uri | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3280 | - |
dc.description.abstract | Ang marketing ay hindi lamang ginagamit sa aspekto ng negosyo, ginagamit din ito bilang kagamitan sa pagpapakilala ng programang pang-unibersidad. Sa pag-aaral na ito, ginamit ang marketing bilang kasangkapan sa pagpapakilala ng programang Batsilyer sa Arte ng Sining ng Pilipinas (Pamanang Kultural at Pamamahala sa Sining) ng Unibersidad ng Pilipinas Manila. Bilang ang programang ito ay nagbibigay-kontribusyon sa pag-aaral ng kasaysayan, sining at kultura ng bansa, mahalagang maipakilala ang mayaman at makulay na nilalaman ng programa. Upang tugunan ang pagpapakilala ng programa sa loob at labas ng unibersidad, inalam ng pananaliksik na ito kung paano ipinapakilala ang programa sa pamamagitan ng pagpokus sa promosyon sa ilalim nito at matapos nito ay bumuo ng kagamitan na makakatulong sa pagpapakilala ng programa gamit ang isang marketing plan. Ang unang hakbang na isinagawa ng mananaliksik ay ang pangangalap ng datos mula sa iba’t ibang research databases, jornal at artikulo. Nagsagawa rin ng pakikipagpanayam sa tagapag-ugnay ng programa (nagsilbi bilang tagapamahala ng promosyon) at Focus Group Discussion (FGD) sa mga mag-aaral ng programa. Mula sa mga nakalap na datos, sinuri ng mananaliksik ang estado ng promosyon ng programa sa kasalukuyan, nang may tuon sa mga online o digital na plataporma na mayroong kaugnayan sa pagpapakilala ng programa. Sinuri ang kasalukuyang estado ng promosyon ng programa gamit ang 4Ps Marketing (Khan at Kanjanarat, 2024), SWOT Analisis (Gurel, 2017) at PASTA framework ni Zweers (2015). Batay sa pagsusuri bumuo ng isang komprehensibong marketing plan kung saan kasama ang paglikha ng webpage. | en_US |
dc.subject | Philippine Arts | en_US |
dc.subject | Marketing | en_US |
dc.subject | Marketing Plan | en_US |
dc.subject | Sining at Kultura | en_US |
dc.subject | Webpage | en_US |
dc.title | PiliArts: Piliin Mo Ang Philippine Arts! Isang Pag-aaral sa Pagbuo ng ‘Marketing Plan’ sa Pagpapakilala ng Programang Batsilyer sa Arte ng Sining ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas Manila | en_US |
dc.type | Thesis | en_US |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2025_Guiron SL_PiliArts Piliin Mo Ang Philippine Arts Isang Pag-aaral sa Pagbuo ng Marketing Plan sa Pagpapakilala.pdf Until 9999-01-01 | 9.34 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.