Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3281
Title: | Mga Mundong Higit sa Naririto: Isang Folkloresque na Pagsusuri sa World-building ng Mga Nobelang Janus Silang ni Edgar Calabia Samar |
Authors: | de Dios, Justine Vince A. |
Keywords: | Nobelang Pangkabataan Philippine Folklore World-Building, Subcreation Theory Young Adult Literature Mythopoeia Folkoresque Literature Panitikan |
Issue Date: | Jul-2022 |
Abstract: | Ang Janus Silang ay isang serye ng mga nobelang pangkabataan o young adult (YA) na isinulat ni Edgar Calabia Samar. Ito ay isang kuwentong nakasentro sa pakikipagsapalaran ng binatilyong si Janus sa iba’t ibang mga secondary worlds na hitik sa hiwaga at kababalaghan ng Philippine folklore. Sa pag-aaral na ito, sinipat ng mananaliksik ang iba’t ibang mga pamamaraan, dahilan, at pahiwatig ng world-building o pagkatha ng mga imaginary worlds gamit ang apat na lapit: (1) ang subcreation theory; (2) young adult literature; (3) mythopoeia; at (4) ang konsepto ng folkoresque kung saan nakapailalim ang mga moda ng integration, portrayal, at parody. Bukod sa pagbabasa at pagsusuri sa nilalaman ng mga nobela ay kinapanayam din ng mananaliksik ang may-akda ng serye, mga kinatawan ng palimbagang Adarna House, Inc., at isang guro ng Filipino mula sa Xavier School Nuvali upang maiugnay ang mga mundo ng Janus Silang sa target audience nito. Batay sa mga nakalap at nasuring datos ay napatunayan ng pag-aaral na ito ang bisa ng world-building sa Janus Silang dahil nagsilbi itong tulay at gabay sa pagtuklas ng kabataan hindi lamang sa mga kuwentong-bayan ng Pilipinas kung hindi pati sa kanyang sarili at lipunan. Napatunayan din ng pag-aaral na nananatiling makabuluhan ang folklore sa kasalukuyan dahil sa patuloy na pagsangguni rito ng mga manunulat at pagtangkilik ng mga mambabasang nahahalina sa mga akda nila. Inilarawan ng mga pagbabagong iniangkop ni Samar sa Janus Silang ang mga kuwentong-bayan bilang kasangkapan ng pagbabagong maaaring isabuhay ng kabataan sa tunay na mundo. Samakatuwid, ang mga ganitong uri ng panitikan ay naghahawan ng daan at lagusan tungo sa isang mundong higit pa sa nararanasan natin ngayon. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3281 |
Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2022_De dios_Justine Vince_Mga Mundong Higit sa Naririto Isang Folkloresque na Pagsusuri sa World-building ng mga Nobelang Janus Silang ni Edgar Calabia Samar.pdf Until 9999-01-01 | 3.56 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.