Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3289
Title: | Mang Domeng: Manghihilot ng Mandaluyong - Isang Etnograpiya ng mga Hindi Lisensiyadong Manggagamot sa kalunsuran |
Authors: | Soria, Grace V. |
Keywords: | Manghihilot Etnograpiya Manggagamot Tradisyunal Halamang Gamot Pamamaraan |
Issue Date: | Feb-1998 |
Abstract: | Ang pag-aaral na ito ay isang etnograpiyang paglalarawan ng mga katutubong manggagamot sa Metro Manila. Layunin ng nagisisyasat na isadokumento ang pagsasapraktika ng mga katutubong manggagamot sa ilang piling lugar sa Maynila. Nais ng proyektong ito ang magkaroon ng sapat ng kaalaman hinggil sa mahahalagang aspeto ng pagtataguyond ng kalusugan sa mga siyudad. Pagtutuanan ng pansin ng nananaliksik ang mga konsepto ukol sa karamdaman at pamamaraan ng panggagamot ng mga hindi lisensiyadong manggagamot sa kalunsuran. Si Mang Domeng, isang manghihilot sa Lungsod ng Mandaluyong, ang magsisilbing pangunahing adhikain ng pagsisiyasat na ito. Sisikapin ng nananaliksik na isalarawan ang kakaibang konsepto at pamamaraan ni Mang Domeng hinggil sa kalusugan at karamdaman na natatamo ng tao. Ang pag-aaral na ito ay isang panukalang inihaharap upang maipakilala ang konsepto ng init at lamig na siyang nagdudulot ng mga karamdaman sa tao. Balakin din ng pagsisiyasat na ito ang maipakita ang kakaibang pamamaraan ng panggagamot ni Mang Domeng. Isasaad din ang mga halamang gamot at iba pang uri ng gamot na ginagamit ng isang tradisyunal na manggagamot upang mapawi ang mga nararamdamang sakit ng mga pasyente. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3289 |
Appears in Collections: | BA Behavioral Sciences Theses |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
1998_Soria GV_Mang Domeng- Manghihilot ng Mandaluyong Isang Etnograpiya ng mga hindi Lisensiyadong Manggagamot sa Kalunsuran.pdf Until 9999-01-01 | 22.86 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.