Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3349
Title: Barik: Isang Pag-aaral sa Konsepto at Pamamaraan ng Inuman o Barik ng mga Taga Janopol Oriental, Tanauan, Batangas
Authors: Mercolita, Robert P.
Keywords: barikan
ritwal
inom
kaugalian
kulturang Pilipino
Issue Date: 6-Mar-2001
Abstract: Ang pananaliksik na ito ay naglalayong higit na maipaliwanag ang konsepto ng inom o barikan lalong lalo na sa pamumuhay ng mga taga Janopol Oriental, Tanauan, Batangas. Dito tatalakayin ang mga ritwal o mga bagay na nangyayari sa isang barikan o ang ‘pagtitipon-tipon ng ilang katao habang umiinom ng alak. Kasama sa susuriin ang mga ritwal bago ganapin ang barikan, habang ginaganap ang barikan, at pagkatapos ng isang barikan. Mapapaloob din sa pananaliksik na ito ang mga kaugalian ng mga Pilipino na ipinapakita sa konsepto ng barikan. Ipapaliwanag din sa pananaliksik na ito na ang mga ritwal at mga kaugalian na natatalakay sa itaas ay kulturang Pilipino. Ang Barangay Janopol Oriental ay isa sa tatlong bumubuo ng dating Barangay Janopol. Ito ay nagtataglay ng populasyon na 2176 na katao na binubuo ng 486 na kabahayan. Ang baranggay na ito ay sakop ng bayan ng Tanauan, Batangas na maituturing na isang “semi-urban” na bayan kung saan may nga establisimentong pangkomersyo na makikita sa mga pook urban. Ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay base sa mga naibigay na impormasyon ng mga mamayan ng barangay Janopol Oriental na binubuo ng mga kalalakihan at kababaihan at base rin sa edad. Base sa mga nakalap na datos, makikita na halos lahat ng mga kalalakihan sa pook na ito ay nakikibarik o sumasali sa mga barikan ngunit magkaiba base sa edad. Sa panig naman ng mga kababaihan, bihira o halos wala sa mga nakakatandang babae ang nakikipagbarik ngunit may iilan at paminsan-minsan sa mga babaing may-edad na 18 taon pataas. Karaniwan, ang pagbabarik ayon sa mga nakapanayam ay bunga o impluwensya ng mga kaibigan, ang mga nakaugalian na mga gawain at konsepto sa lipunan, at ang impluwensya ng mga magulang.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3349
Appears in Collections:BA Social Sciences



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.