Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3366Full metadata record
| DC Field | Value | Language |
|---|---|---|
| dc.contributor.author | Atanacio, Jihan P. | - |
| dc.date.accessioned | 2025-11-17T04:53:58Z | - |
| dc.date.available | 2025-11-17T04:53:58Z | - |
| dc.date.issued | 2003 | - |
| dc.identifier.uri | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3366 | - |
| dc.description.abstract | Ayon sa tradisyon ng pagpapamana ng mga Ifugao, ang malaking bahagi ng kayamanan at ari-arian ng isang pamilya ay napupunta sa mga nakatatandang anak, karaniwang panganay, ikalawang anak. Ito ay nangangahulugan lamang na karaniwang wala nang natitira o maliit na bahagi na lamang ang natitira sa mga nakababatang anak. Ang paniniwala at tradisyong ito ay taliwas sa kasalukuyang nakasaad sa konstitusyon ng Pilipinas na ang pagpapasa ng kayamanan ng mga magulang ay nararapat na hatiin sa lahat ng anak. Bawat anak ay may karapatan sa kayamanang naipundar at naitago ng isang pamilya. Dahil sa lumabas na pagkakaiba at magkasalungat na pamamaraang ito, nilayon ng mananaliksik na maunawaan ang diwang bumubuo sa tradisyon ng pagpapamana ng mga Ifugao. Nilayon ding makalikom, makakuha at makapagtala hindi lamang hinggil sa tradisyon ng pagpapamana ng mga Ifugao kundi tignan kung ano ang katayuan nito sa kasalukuyang batas at gawi ng mga Ifugao. Ang mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbisita mismo sa lugar at pakikipanayam sa mga at sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa iba’t ibang silid-aklatan gaya ng CCP, UP, Maynila, Pambansang silidaklatan, at iba pa. Ang paraan ng pag-aanalisa ng mga datos mula sa mga babasahin at pakikipanayam ay sa pamamagitan ng pagkuha ng recurring themes at pattern na bumubuo sa tradisyon. Mula sa mga impormasyong nakalap, ang tradisyon ng pagpapamana ng mga Ifugao ay nagtataglay ng mga katangian: Una, ang tradisyon na ito kakayahang makiangkop iba’t ibang kaso o sitwasyon. Pangalawa, ang mga nakasanayang batas (customary laws) ay hindi absolute at rigid sa pagbibigay ng puwang ng tradisyon sa pagdedesisyon Ng magpapamana. Pangatlo, ang tradisyon ay nagpapakita ng pangkalahatang pananaw. Nakita ng mga Ifugao ang posibilidad na maaaring maghirap ang isang pamilya kung ang gagawing paghahati-hati ay pantay-pantay. Pang-apat, ang tradisyon ay may pantay-pantay na pagtingin. Pang-lima, ang tradisyon ay makatao. Pinapahalagahan nito ang mararamdaman ng bawat isa. Pang-animn, ang tradisyon ay pinapahalagahan ang pagkakaisa at pagmamahalan sa loob ng pamilya. Pang-pito, ang tradisyon ay nagpapakita ng malaking paggalang sa mga ninuno ng Ifugao. | en_US |
| dc.subject | pagpapamana | en_US |
| dc.subject | tradisyon | en_US |
| dc.subject | kayamanan | en_US |
| dc.subject | batas | en_US |
| dc.subject | pamilya | en_US |
| dc.title | Ang Tradisyon ng Pagpapamana ng mga Ifugao | en_US |
| dc.type | Thesis | en_US |
| Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses | |
Files in This Item:
| File | Description | Size | Format | |
|---|---|---|---|---|
| 2003_Atanacio JP_Ang Tradisyon ng Pagpamana ng mga Ifugao.pdf Until 9999-01-01 | 11.82 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.