Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3410
Title: Ang mga Epekto ng Proyekto CALABARZON at ng Maruming Pangisdaan sa mga Mangingisda ng Brgy. Hucay, Calatagan, Batangas
Authors: Sabino, Fercival B.
Keywords: kahirapan
mangingisda
magsasaka
naghaharing-uri
karapatan,
uring nakikibaka
Issue Date: Mar-2003
Abstract: Ang Pilipinas ngayon ay dumaranas ng labis na kahirapan. Karamihan sa mga taong naghihirap ay ang mga taong malaki ang kontribusyon sa buong bansa. Sila ang mga mangingisda at mga magsasaka. Dapat natin silang pagtuunan ng pansin dahil sila ang karaniwang inaabuso ng mga naghaharing-uri. Ang mga pag-aaral na ginagawa ng isang mag-aaral sa loob ng silid aralan ay di lamang dapat nakakulong sa apat na sulok nito, dapat ay may malalim pag-intindi ang mga magaaral ng kahit ano mang unibersidad tungkol sa mga tunay na nangyayari sa ating lipunan. Ito ay ang patuloy na tunggalian ng mga naghaharing uri at ng mga uring nakikibaka at ipinagtatangol ang mga karapatan ng mga uring naapi. Ang mga gawain at mga propesyon na tatahakin ng isang estudyanteng mulat ay may paggalang at pagkiling sa mga karapatan at sa ikabubuti ng mga kabuhayan ng mga kapwa nating Pilipinong naghihirap.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3410
Appears in Collections:BA Development Studies



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.