Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3464
Title: Rehabilitasyon ng Kaliwa Watershed at Banta ng Laiban Dam sa mga Residente ng San Andres, Rizal
Authors: Neypes, Maritess G.
Keywords: Rehabilitasyon
Kaliwa watershed
Laiban dam
kultura
neokolonyalismo
katutubo
Issue Date: 30-Mar-2004
Abstract: Bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop sa ating bansa, may sarili ng kultura at sistem ang mga Pilipino, ang mga katutubong Pilipino, mapapulitika man ito, kultural, sosyal at relihiyon. Ngunit dumating ang mga Kastila, na nasundan pa ng ibang mga mananakop. Magpahanggang ngayon, hindi man tayo tahasang sakop ng mga imperyalismong bansa, nararamdaman pa rin nating ang neokolonyalismo, lalo na ng mga katutubo. Ang mga pagpapatayo ng iba't ibang mga pangkaunlarang proyekto, katagang ginagamit ng gobyerno, lalo na sa mga ancestral lands o domain, ay isang paraan ng pagpatay sa kultura at pangkabuhayan ng mga katutubo, na kanilang iniingatan ng mahabang panahon na mula pa sa ating mga ninuno. Isang halimbawa ng mga development projects ay ang Laiban Dam, mula sa pautang ng World Bank at Asian Development Bank, isang malinaw na paglaking muli ng ating panlabas na utang. Bukod pa rito, isa rin itong paraan ng pagpatay sa kultura at buhay ng ating mga ninuno sa bahagi ng Tanay at Rizal, na tinatalakay ng thesis na ito.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3464
Appears in Collections:BA Development Studies



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.