Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3477
Title: Pagliko sa Kaliwa: Ang Pakikilahok ng Pambansang Demokratikong Kaliwa sa Halalan Laban sa Dominasyon ng Oligarkiya sa Pulitika
Authors: Mandia, Joe Benedic C.
Keywords: pambansang demokratikong kaliwa
halalan
oligarkiya
elektoral
pakikibaka
pagbabago
Issue Date: 2006
Abstract: Ang kahinaan ng nee-liberal na sistema ng kapitalismo ng magdulot ng makatarungang pamumuhay sa maraming mamamayan sa daigdig ang nagtulak ng kasalukuyang pamamayagpag ng maraming mga maka-Kaliwang kilusan at partido pulitikal sa larangan ng pakikibakang elektoral at parlamento sa iba't-ibang bahagi ng daigdig gaya sa Latin Amerika, Europa at Asya. Sa Pllipinas, malaki ang kasalukuyang epekto ng aktibo at lumalakas na pakikilahok ng pwersang Kaliwa sa elektoral na pakikibaka di lamang upang hamunin ang dominasyon ng mga oligarkiya sa pulitika kundi maging daluyan ng pagpapalakas ng kilusan para sa pagbabagong panlipunan. Ang pag-aaral na ito ay magtatalakay ng mga kadahilanan at mga layunin sa paglahok ng Pambansang Demokratikong Kaliwa sa halalan sa Pilipinas. Sa pakikipanayam sa mga susing lider at mga personahe ng mga Kaliwa sa hanay ng elektoral na pakikibaka, susuriin ng pag-aaral na ito ang mahalagang papel ng eleksyon sa programa at tanaw nito sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago sa lipunan. Bilang isang lumalakas ng pwersang pampulitika, inaasahan na ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng komprehensibong kaalaman at karagdagang alternatibong pananaw sa uganayan ng pakikibakang elektoral sa pagkakamit ng tunay na demokrasya at pagbabagong panlipunan sa perspektiba ng mga mga Kaliwang partido o kilusan.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3477
Appears in Collections:BA Political Science



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.