Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3498
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorCastrillo, Angelica A.-
dc.date.accessioned2026-02-02T02:45:22Z-
dc.date.available2026-02-02T02:45:22Z-
dc.date.issued2005-03-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3498-
dc.description.abstractAng pag-aaral na ito ay isang pagsusuri at pagaanalisa ng mga lipon ng nasulat tungkol sa konsepto ng sakit at paggaling ng ilang indigenous peoples ng Pilipinas. Ang konseptong ito ay nakapaloob sa traditional medicine na magpasahanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga tao sa kabila na panahon na ng makabago at siyentipikong medisina. Mula sa mga nakalap na akda, panulat, pananaliksik at pag-aaral, anim na pangkat ng indigenous peoples ang masusing ipinaliwanag at pinagtuunan ng pansin. Ito ay ang mga Ayta ng Zambales na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon; Bontoc Igorot; Ifugao; Kankana-ey ng Mountain Province; Mangyan ng Mindoro at Subanon ng kanlurang bahagi ng Mindanao. Ipinakita sa pag-aaral na ito ang iba't ibang kaugalian at paniniwala ng mga napiling pangkat na may kinalaman sa kanilang konsepto ng karamdaman at mga pamamaraan ng pagpapagaling dito. Ang pagkakaroon ng hindi maganda at maayos na pakiramdam para sa kanila ay maaaring sanhi ng natural o supernatural na dahilan. Bagamat ang pagkakaroon ng sakit ay mapagtutunay sa lagay ng pisikal na kaanyuan ng isang indibidwal, itinuturing ito bilang mas sosyal kaysa bayolohikal dahil sinasalamin nito kung ano ang tama at mabuti ayon sa lipunang kanilang ginagalawan. Sa pamamaraan ng pagpapagaling at panggagamot, bukod sa paggamit ng kaalaman sa herbal na medisina sa mga hindi gaanong kalalang sakit, hindi mawawala ang pagtatanghal ng mga ritwal na naaayon sa ganitong uri ng pangyayari lalo na sa malulubhang sitwasyon. Lahat ng pangkat ay may kani-kaniyang pamamaraan at hakbang sa pagpapatupad ng mga ito. Bagamat iba’t iba ang katawagan sa mga taong may kakayahan at kapangyarihang makapagpagaling, gayundin ang kanilang mga pamamaraan, ang kanilang mga layunin ay magkakatulad: ang mapabuti ang kalagayan ng maysakit at mapanatili ang mabuti at payapang relasyon sa pagitan ng mga tao at ng kanilang mga ninuno, espiritu, o diyos. Matutunghayan sa pag-aaral na ito ang konsepto ng ilang indigenous peoples tungkol sa sanhi ng pagkakasakit at paanong ito ay nilulunasan na hindi nakaugat sa modernong bayomedika.en_US
dc.subjectindigenous peoplesen_US
dc.subjectIllnessen_US
dc.subjectHealingen_US
dc.subjectTraditional Medicineen_US
dc.subjectTraditionsen_US
dc.subjectRitualsen_US
dc.titleIsang Pagsusuri ng mga Nasulat Tungkol sa Konsepto ng Sakit at Paggaling ng Ilang Indigenous Peoples sa Pilipinasen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Behavioral Sciences Theses



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.