Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3529
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorBedruz, Haidee Paulette M.-
dc.date.accessioned2026-02-19T03:23:36Z-
dc.date.available2026-02-19T03:23:36Z-
dc.date.issued2004-04-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3529-
dc.description.abstractAng pag-aaral na ito ay sasagot sa katanungang: “Maituturing ba na power culture ang organizational culture ng Museo De La Salle?”. Sa pagsagot sa katanungang ito ay kumalap ng mga datos ukol sa Museo De La Salle na tumutugon sa mga indikasyon ng power culture base sa depinisyon ni Harrison. Ang pagkalap ng mga datos ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbisita sa silid-aklatan, pagiinterbyu sa mga miyembro at pagtigil sa opisina ng Museo De La Salle. Nagsagawa ng mga interbyu upang makuha ang opinyon ng mga miyembro ng organisasyon. Ang pagsusuri sa mga datos ay sa pamamagitan ng balangkas ng konseptong nabuo batay sa depinisyon ng Organizational culture ni Schein at indikasyon ng power culture ayon kay Harisson. Ayon sa mga datos na nakalap, nasuri at nabigyang kahulugan, lumalabas na bagama’t umaayon ang organizational culture ng Museo De La Salle sa ilang katangian ng power culture, may ilang katangian naman na hindi tumutugma. Ang pangunahing katangian ng Museo na umaayon sa diwa ng power culture ay ang pagkakaroon nito ng charismatic figure na siya ring pinagmumulan ng mga desisyon para sa grupo. Gayunpaman, ang pagkakailalim ng Museo De La Salle sa DLSU system ang bumabalakid upang ituring na power culture ang organizational culture nito. Kung kaya ang’ aking konklusyon ay bagama’t kakikitaan ng katangian ng power culture ang Museo De La Salle, ito ay nababawasan ng diwa dahil sa napapasailalim ito sa isa pang malaking organisasyon. Kung kaya naglatag ng pagbabago sa makabanyagang konsepto ng power culture sa pamamagitan ng pagsasakonteksto nito sa pantayong pananaw. Ang ebalwasyon ng pag-aaral ay batay sa ideya ni Habermas sa kanluraning konsepto ng kapangyarihan base sa dominasyon at opresyon. Sa pag-aaral ng organizational culture ng Museo De La Salle, masasalamin ang konsepto ng kKapangyarihan nguni’t sa ibang konteksto. Ang kapangyarihan ng lider ng Museo De La Salle ay hindi nakamit dahil sa pagdodomina sa kanyang nasasakupan kungdi bunga ng kagandahang loob, respeto at pakikipag-kapwa tao. Sa pamamagitan nito, hindi lamang ang lider ang nabibigyan ng kapangyarihan kungdi maging ang lahat ng mga miyembro ng organisasyon. Madali para sa Museo De La Salle ang maabot ang kanilang layunin bilang isang organisasyon sapagka’t ang lahat ng mga miyembro ay nakikisa sa isang misyon ng Museo De La Salle.en_US
dc.subjectorganizational cultureen_US
dc.subjectMuseo de La Salleen_US
dc.subjectpower cultureen_US
dc.subjectkatangianen_US
dc.subjectkapangyarihanen_US
dc.subjectpagbabagoen_US
dc.titleIsang pag-aaral sa organizational culture ng Museo De La Salleen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
2004_Bedruz HPM_Isang pagaaral sa organizational culture ng Museo De La Salle.pdf9.39 MBAdobe PDFView/Open


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.