Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3708
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorLazaro, Mariden C.-
dc.date.accessioned2026-05-25T03:14:18Z-
dc.date.available2026-05-25T03:14:18Z-
dc.date.issued1999-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3708-
dc.description.abstractMay kasabihang ang kalusugan ay kayaman. Kung kayat sa pagtahak ng tao sa bawat yugto ng kanyang buhay ay naroon ang pag-iingat at pangangalaga sa katawan mula sa sakit, sapagkat ang buhay na ito na kaloob ng Diyos ay iisa lamang. Kaugnay nito, layunin ng pag-aaral na ito ang mailahad at masuri ang mga sakit na nauugnay sa yugto ng panganganak. Napapaloob dito ang mga natatanging paniniwala at kaugalian na sinasang-alang sa kabila ng mabilis na paglaganap ng mga kaalaman sa kalusugan at paggagamot. Sa paglalarawan ng sakit, inalam ang pinagmulan, sintomas at epekto sa kalusugan at mga paraang isinasagawa sa paggagamot at pangangalaga ng katawan. Ang pag-aaral ay nagpokus sa mga sakit na mauugnay sa yugto lamang ng panganganak. Ang mga sakit na ito ay batay sa mga paniniwala, opinyon at karanasan ng mga napiling kababaihan ng Barangay De La Paz Norte, San Fernando Pampanga. Partikular na inilarawan ang kondisyon ng katawan ng babae bago manganak hanggang sa sandaling matapos ang kanyang panganganak. lnaasahang makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagdaragdag ng kaalaman ukol sa mga sakit na nararanasan ng kababaihan sa yugto ng panganganak. Sa pamamagitan nito, mauunawaan ang kondisyong pangkalusugan ng babae sa yugtong ito ng kanyang buhay. Higit sa lahat, umaasang makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagpapabuti sa pagpapaabot ng mga serbisyong pangkalusugan. Ang pag-aaral ay isang etnograpiya ng mga napiling kababaihan sa Brgy. De La Paz Norte San Fernando Pampanga. Ginamit ang "emic approach" o panloob na pananaw batay sa mga karanasan, opinyon at paniniwala. Ang metodo ng pakikipanayam at pagtatanong tanong ang ginamit ng pag-aaral. Ang pag-aaral ay bahagi ng isinagawang pag-aaral ng paglalahad ng buhay ng walong (8) kababaihan na may edad 45 hanggang 65. Tinalakay nito ang yugto sa buhay ng babae mula sa pagkakaroon ng regla hanggang sa pagtigil nito. Kinapanayam din ang may labintatlong (13) kababaihan na may edad 28 hanggang 43. Ang lahat ng kinapanayam ay nakaranas nang manganak at kapwa na mga ina. Karamihan sa kanila ay nananatili sa bahay. Ang Barangay De La Paz Norte ay isa sa mga bumubuong barangay ng San Fernando Pampanga na kung tawagin noon ay Butarol. Sa kasalukuyan, tinatayang may 2,500 ang populasyon ng naturang barangay. Binubuo ito ng anim na purok at may sariling paaralang elementarya, simbahan at health center. Batay sa pagsusuri ng mga kaugnay na literatura, ang sakit ay hindi lamang kinapapalooban ng aspetong pisikal. Mauugnay dito ang iba pang salik na nakaaapekto sa kalusugan - ang aspetong kultural at sosyal. Malaki ang papel na ginagampanan ng lipunang kinagagalawan ng tao sa kanyang kalusugan. Ang teorya naman ni Hippocrates ay nagsasabing ang katawan ay binubuo ng apat na likido. Kinakailangang mapanatili ang balanse ng mga ito sa katawan upang maiwasan ang sakit. Kaugnay nito ay ang teorya ng init at lamig na tinatawag na yin yang sa Tsina at ayurveda naman sa India. Sinasabing makikita ang teoryang ito sa mga yugto ng buhay ng babae mula sa pagkakaroon ng regla hanggang sa pagtigil nito. Ang iba't-ibang pangkat etniko sa Pilipinas ay may kanya-kanyang paniniwala at kaugalian sa panganganak. Subalit ang mga ito ay may pagkakatulad gaya ng paniniwala sa mga masasamang espiritu sa paligid na naglalagay sa panganib sa kalusugan ng babae habang nagbubuntis hanggang sa gandaling matapos ang panganganak. Gayundin ay may mga paniniwala sa sa tulong na maibibigay ng paggamit ng mga dahon-dahon, mga tabu sa pagkain, pagkilos at gawain upang mapangalagaan ang kalusugan ng babae mula sa pagbubuntis hanggang sa sandaling matapos ang panganganak. Batay sa mga nakuhang impormasyon nakita ang kahalagahan ng pagbabalanse ng init at lamig sa katawan. Malaki ang nagagawang epekto ng pagtaas at pagbaba ng init at lamig sa kalusugan ng babae. Mula sa ·panahong bago manganak hanggang sa sandaling matapos ang panganganak kinakitaan na ng pagtaas ng init ang katawan ng babae. Dahil dito mapanganib na mapasukan ng lamig ang loob ng katawan dahil magdudulot ito ng sakit at hirap sa panganganak. Pinag-iingat ang babae sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahahabang damit, hindi paglabas ng bahay lalo na kung gabi, paglalagay ng sapin sa pag-upo at pagtulog, pag-iingat na matutukan ng hangin at pag-iingat na mabasa ang tiyan sa anumang gawain tulad sa paglalaba. Kaugnay nito ay ang pagbabawal sa pagkain ng matataba at maaalat na magdudulot ng labis na init sa loob ng katawan. Ito ay makapagpapataas sa presyon ng dugo ng ina. Kapag nangyari ito, pinaniniwalaang tataas ang presyon ng dugo, mahihirapan sa panganganak at ikamamatay ng sanggol dahil malulusaw ito sa sobrang init sa loob ng tiyan. Tinatawag itong albumina. Sa sandaling bago ang panganganak makatutulong sa mabilis at madaling panganganak ang pag-inom ng mainit o malamig na likido ang babae. Maaaring mainit na sabaw o Milo at Pepsi o Coke ang iinumin ng babae sa sandaling siya ay nakararanas na ng pananakit o paghilab ng tiyan. Ang mataas na temperatura ng likido ay pinaniniwalaang makapagpapagising at mabilis na makapagpapagalaw sa sanggol upang madaling mailabas ng ina. Nakararanas ng labis na paghihirap o sakit ng katawan ang babae sa sandaling siya ay nanganganak. Matapos ang panganganak itinuturing na bukas ang katawan ng babae at madaling mapasukan ng lamig. Sa panahon din na ito ay karaniwang mainit ang pakiramdam ng babae mula sa panganganak dala ng hirap at pagod na naranasan. Katulad noong bago manganak ay ga·yundin na pinag-iingat ang babae mula sa lamig dahil magdudulot ng sakit tulad ng busong (pamumuo ng dugo) at pagkamuret (pagkasira ng ulo). Karaniwan nang ginagamot ang init ng pakiramdam ng babae pagkapanganak sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis sa paghihilot ng katawan, pag-inom ng maiinit na sabaw o likido, pagsusuot ng mahahabang damit, paglalagay ng sapin at pagsasara ng hita at binti sa pag-upo at paghiga, pagbabawal na mabasa ng malamig na tubig at hindi paliligo ng isa hanggang dalawang linggo matapos ang panganganak. Sa pangkalahatan, napansin ng pag-aaral na sa panahong mula bago manganak hanggang sa sandaling matapos ang panganganak, ang babae ay nakararamdam ng init na nagbabadya ng pagkakaroon ng sakit kung hindi mapag-iingatan ang katawan mula sa pagpasok ng lamig. Maibabalik lamang ang normal o dating kondisyon ng katawan at kalusugan ng babae kapag naging balanse na muli ang init at lamig sa loob ng katawan. Karaniwan nang naibabalik muli ang dating normal na kondisyon ng katawan ng babae matapos ang pagsasagawa ng tinatawag na panublida o pagsasarang muli ng katawan ng babae mula sa panganganak. lminungkahi ng pag-aaral ang malawakan pang pag-aaral sa epekto ng init at lamig sa loob ng katawan. Napapaloob dito ang mga hakbang kung paano mas epektibong mapapangalagaan ang katawan mula sa mga sakit na natukoy ng pag-aaral sa yugto ng panganganak. Maaaring isagawa ang mga pag-aaral sa iba namang mga kababaihan partikular ang mga naninirahan sa malalayong lugar sa bansa.en_US
dc.subjectpanganganaken_US
dc.subjectkababaihanen_US
dc.subjectkalusuganen_US
dc.subjectpaniniwalaen_US
dc.subjectpaggagamoten_US
dc.titleIsang Pag-aaral Ukol sa Mga Sakit na Nauugnay sa Yugto ng Panganganak sa Mga Napiling Kababaihan sa Barangay Dela Paz Norte, San Fernando Pampangaen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Behavioral Sciences Theses



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.