Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3771
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorNogaliza, Galdys Junne C.-
dc.date.accessioned2026-06-29T05:47:39Z-
dc.date.available2026-06-29T05:47:39Z-
dc.date.issued2004-03-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3771-
dc.description.abstractIsang di matatawarang pangyayari sa kasaysayan ng paggawa sa Pilipinas ang maramihang pag-alis ng ating mga propesyunal o yaong may matataas na antas ng kagalingan at kasanayan na mga manggagawa upang gamitin ang mga kasanayan at kagalingang ito sa Iabas ng bansa kapalit ng mas kaaya-ayang kondisyon doon ('brain drain'). Sa ganito, nagmg makabuluhan ang pagtalakay sa mga posibleng epekto ng napipintong pagkaubos na ito ng mga propesyunal na manggagawang Pilipino, Ialung-lalo na sa sektor ng kalusugan na higit na nakararamdam sa kaganapang ito. Upang matukoy ang mga epektong ito ng brain drain sa nasabing sektor, nagsagawa ng pananaliksik ang may akda sa tatlo sa mga pangunahing institusyong pangkalusugan sa kalakhang Maynila: San Lazaro Hospital, Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center at Ospital ng Maynila Ang pananaliksik na ito ay naging epektibo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey sa mga manggagawa sa mga nabanggit na institusyon, pakikipanayam sa ilang mga indibidwal at pag-aaral o pagsusuri sa mga kaugnay na pananaliksik na naitala Mula sa mga nakalap na impormasyon, napagtanto na patuloy na pinalalala ng 'brain drain' ang kalunos-lunos na kalagayan ng serbisyong pangkalusugan sa bansa Ilan sa mga epektong natukoy sa pag-aaral na ito ang pagkawala ng de-kalidad na serbisyo ng mga institusyong pangkalusugan dahil ang kanilang organisasyon ay pinupunan na lamang ng mga baguhan pa lang sa propesyon at kulang pa sa kasanayan; pinupunan ng mga baguhan subalit kulang na kulang pa rin sa mga tauhan; kulang na kulang sa mga tauhan kaya maraming pasyente ang hindi nabibigyan agad ng kaukulang tunas na ikinamamatay pa ng ilan.en_US
dc.subjectbrain drainen_US
dc.subjectpampublikong institusyonen_US
dc.subjectpangkalusuganen_US
dc.subjectpananaliksiken_US
dc.titleIsang Pag-aaral sa Epekto ng Brain Drain sa mga Pampublikong Institusyong Pangkalusugan sa Maynilaen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Development Studies



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.